For All Its Worth

Kanina ka-YM ko si Salbutri, who has grown so much taller than me it doesn’t feel like he’s my little brother. But with seven years age difference, he will forever be just that.

Salbutri was regretting not marrying his GF last year nung marami syang pera kasi he was thinking he can still grow more money if he can wait longer. And then nagkaipi-ipit si Mudra at para daw “dumaan lang sa gripo” ang lahat ng savings nya. Living in the same household, wala naman syang choice other than to shell out money to fill the gaps.

Nag-flash sa mind ko ang napakaraming memories.

I remember an old friend who was deep in debt four years ago. Gusto nang mamatay dahil parang wala nang solusyon. A week later she won the lotto. A year later she was broke again. San napunta ang pera? Mahirap i-audit, pero ang alam namin nagbyahe sya, nakapagpatayo ng bahay at nakapag-put up ng lotto outlet para sa parents nya. Four nights ago, magkakasama lang kami celebrating her birthday as our usual end-year get-together. Jobless. But she looked happy. O baka lasing lang sya.

Twelve years ago, marami rin kaming pera ni JS. Retroactive pay namin yun, combined, from an NGO we used to work with. I suggested magpa-assemble kami ng jeep para kahit sa NGO lang kami sumesweldo may income naman kami sa boundary. Apat na taon na kaming nagsasama noon kaya sabi nya magpakasal na raw kami; baka hindi na raw kami makahawak ng ganun kalaking pera.

Mga fifteen years ago nasa isang remote community kami ni Eena. Kinukurot-kurot ang puso ko sa mga batang nagtatakbuhang nakapaa at naglalakad papunta sa tatlong kilometrong layo nilang eskwelahan na naka-tsinelas. Sabi ko kung may milyones ako pupunta ako dito isang Pasko at mamimigay ako ng mga laruan. Wala man silang poso (na dati ay sampung libo lang naman isang installation), maaalala nila pagtanda nila na minsan nagkaron sila ng napakagandang laruan.

Four years ago, gusto kong manalo ng 50 million sa lotto. Liban sa mga gusto kong bilhin at ipundar, nasa listahan ko ang isang kaibigan na gusto kong pag-aralin ulit. Mahusay kasi sya, hindi lang nakatapos. Baket? Ang tanong ng other friends ko. Aba’y wala lang. Sayang kasi. Wala pa naman akong 50 million hanggang ngayon. Tumatanda na sya, at di na ako sure kung trip nya pang mag-aral.

Madalas ganito. Kapag marami kang pera, hindi mo alam pano gamitin ng tama. Gusto mong magpundar. Gusto mong mag-ipon. Gusto mong maglustay. Kahit wala ka pang pera at ini-imagine mo pa lang, mahirap iplano. Sa tutuo lang, gusto mong gamitin ang pera mo para maging masaya. Pero kung bakit kapag marami kang pera, parang hindi mo na rin alam ano nga bang ikaliligaya mo, o pano mo mapaliligaya ang kung sino man.

Nagmatalino ako kay Salbutri. Sabi ko- Kapag nagkapera ka, you should spend it on something that will change your life forever. Wag ka nang maghintay. Wag mo nang ipagpaliban. Wag kang papigil. Dumadaan ang pera, dumadaan ang pagkakataon. Panghihinayangan mo ang pera, panghihinayangan mo rin ang pagkakataon. Pero alin ang mas panghihinayangan mo?

Disclaimer: Bata-bata pa si Salbutri. Baka ibang istorya kapag umeedad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento