Three Shoes After

Kung bakit sa dami ng iniisip at dinaramdam ko hindi ako makapagsulat.

At ngayon, eto ako- nagpipilit magsulat habang umaatungal ang Air Supply ng Out of Nothing at All. Higit sa lahat, ngayon ko naisip gawin ito. May meeting ako in two hours, magluluto pa ako ng almusal, at hindi pa ako naliligo. Gusto ko sanang sabihing, “Isayaw mo ako. Tamang-tama ang lahat- bilog ang buwan, ang ganda ng tugtog.” Cue music: Blue Moon.

Kababasa ko lang ng blog ni Kiel. Ilang ulit ko na ring sinubukang buksan ang blog nya sa opisina ko, kung bakit naman kasi napakadaming kaartehan sa internet security ng opisina ko ngayon. Ayaw gumana ng Mozilla, na sadya ko pang dinownload para lang sa blog ni Kiel. Palyado ang YM. Hindi makapa-update ang Kaspersky. Kainis.

I’ve never had a finer evening in the last few weeks than the evening I spent with Kiel in his house. Sarap ng tiwangwang ko habang lawit ang dila ni Kiel sa kabubuhat ng mga karton ng libro nya. Ah, the treasures you will find in those boxes- mga librong titulo pa lang carried away ka na, mga training kit na kamangha-mangha ang binders, mga magasin na ni hindi ko kilala, mga larawang hindi ko malaman kung mahihiya ako o magwawalanghiya.

Sa hinahaba-haba ng mga litanya ko tungkol sa bagong Salapudin na pinasok ko, noon lang namin napagkwentuhan ni Kiel ang pinakamalalim na kalungkutan ko. Tanong nga nya, ba’t ni hindi ko naisusulat yun. Ang sagot ko: there are no words.

Ilang beses na din akong nagsulat, but only for the sake of screaming my thoughts out. They don’t make sense. And for the life of me, I just can’t let my stories go. It’s like writing history without proper context. Kung sana lang lahat ng oras pwede kong iraos ang mga naiisip ko kasabay ng alkohol.

For now, napaisip lang ako sa huling blog ni Kiel. Naalala ko yung mga panahong bagong salta sya sa SA; yung mga brownout na magtetext syang napakadilim, mga umagang maliligo sya at ang lamig-lamig, mga araw na nasa komunidad sya at hindi malaman kung pano magfa-facilitate ng workshop sa lenggwaheng hindi nya pa kabisado, pati ang minsang na-miss ko ang call nya at nagtext sya sa isang coffee shop habang nag-iisa (sa tantya ko halos hatinggabi?). Naisip ko kung gano kalungkot mag-isa. [Although nung start lang siguro, kasi a few years after forwarded emails na lang ang natatanggap ko… mga five times in a year, max na yun.]

Pero wag na sirain ang emote. Malungkot maging malungkot, nakakainis mag-self pity. Kahit walang lonely train tracks, vast plantations or full moon, mahirap tagalan ang katahimikan sa sarili mong dibdib o ang ingay na hindi mo maibunghalit sa kalawakan. Sa buhay ko, ito ang mga sandaling napasali ako ng fraternity, napasabak ako sa hiphop classes, at napa-shopping ng walang humpay.

Three shoes after, ano na naman kayang kagaguhan ang maiisip ko para libangin ang sarili ko?

1 komento:

  1. binabasa mo pala blog ko.

    now it makes sense kung bakit marami tayong sapatos...

    TumugonBurahin