Bukol


XANTHOGRANULOMA WITH ATYPIA

Suggest IMMUNOHISTOCHEMICAL STAINING with Cytokeratin to rule out an EPITHELIOID NEOPLASM which is the MAIN DIFFERENTIAL DIAGNOSIS.

Ano yun?

Yan din ang tanong ko.

Alas kwatro na wala pa yung duktor. Alas tres ang usapan namin. Dumiretso na muna ‘ko sa laboratory para kunin ang histiopath ng cyst na tinanggal sa may kili-kili ko. Halos alam ko naman na ang nakasulat dun- fatty tissues, gaya nang sabi sa pathology report nung 1989. So hindi naman ako worried.

Nang tumambad na sa ‘kin yung pagkahaba-habang discussion ng report, umikot ang ulo ko. Vesicular molded nuclei with eosinophilic granular cytoplasm… interspersed with few spindle shaped cells, multinucleated giant cells and entrapped collagen fibril… focal hyperchromasia with mild nuclear atypia (reactive?) are evident… [Ano ba naman tong report na ‘to, may question mark?!]

Nagtext ako sa jowa ko, who is in a kingdom far, far away. “… can you Google now what that means?...” Curious lang ako at uncomfortable kasi ‘di ko maintindihan yung report at ang tagal ng duktor. Hindi naman ako worried.

Alas singko na wala pa rin ang duktor. Maya-maya tumawag na- nasa E.Rod na gumewang ang gulong kaya nagpapaayos lang, dadating naman sya kung willing akong maghintay. Syempre wait na, andun na ko ‘noh!

Hay, tanga- pwede naman palang mag-internet sa cellphone ko. Hala Wikipedia left and right. Pero ano ba naman ang sasabihin ng Wikipedia sa ‘kin kundi mag-define ng terms na pagkakabit-kabitin ko na lang sa utak ko, hoping na may ma-imagine ako somehow. Kaya ko ‘to, nag-Bio 2 naman ako. Trenta minutos akong nagse-surf. Hindi naman ako worried.

Nakababa na ang mga accordion gate ng klinika, nanunuod na ng Rise of the Lycans sa DVD ang mga staff (ang napaka-walang kwentang pelikulang nagsayang ng pera ko). Mamaya lang magugutom na ko. Iniisip ko, hindi kaya mamaya lang e umasim na ang hinga ko o ang amoy ng kilikili ko sa tagal ng duktor? Naligo at nag-toothbrush pa naman ako nang katakot-takot dahil nakakahiya naming nakadikdik sa may kilikili ko ang pagkagwapo-gwapong duktor tapos hindi ko man lang ma-afford na makipag-close up moment. Hay naku. Hindi naman ako worried.

At true enough, nag-arrive naman si Doc. Binasa ang pathology report at nag-explain kung anong ibig sabihin ng mga lecheng terminologies na yun [at least yung ilan, ano]. At dahil I like options, he did give me a long list of options: second test, third test, larger excision, second opinion… ano ba ‘to, parang talagang may cancer na ata ako. Pero may sense naman. Ito naman ang ginusto ko.

A few weeks ago, my friends were asking me [lahat sila pare-pareho ang tanong] kung bakit kelangan kong ipahiwa ang sarili ko e ilang doctors naman na ang nagsabing harmless sya. Ang sagot ko pare-pareho din: hindi normal na may bukol sa katawan ko so I want it out.
Wala naman akong pakialam ever kung may scars ako. My skin has this peculiar tendency to heal very slow, but when it does the scars hardly show; it’s always as if nothing has happened at all. Yun lang- it takes a really long time to heal. Anyway, hindi naman physical scars ang concern ko ever. So hindi naman ako worried.

So sige. I agreed to this staining with Cytokeratin thing. Magkano kaya sya; this is totally unplanned and my bank account is running thin. Buti na lang I have several rakets lined up. Sana dumami pa, harharhar.

Umuwi muna ako. Dapat may imi-meet ako sa Ali Mall pero gusto ko munang i-Google lahat nang narinig ko. Hindi naman ako worried. Pero for the first time, sa halip na 14 pesos lang ang iaabot kong pamasahe sa tricycle, 21 pesos ang inabot ko. Nang sabihin ng drayber na sobra ang ibinigay ko, hindi ko naintindihan. Napangiti lang ako. Pag pasok ko ng gate, dun lang nag-register sa ‘kin ano yung ginawa ko.

Hindi naman ako worried.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento