Eternity

what are the things that bind us? it’s a question that all of us have asked ourselves at some point in our lives. at the beginning of this year 3 friends, [G], eden and kiel decided to connect their blogs, in a way that a blogroll cannot. they decided to write about something around this very theme and let another introduce the post from a sympathetic perspective. to make things challenging, the question must be answered around a specific piece of jewelry: the ring. this is mine.

Ang Hirit ni Kiel
"A virteous wife is more precious than rubies." - Proverbs 31:10

ginto nagpipirmi sa higit dalawampung maliliit na kulay rosas na rubi. ginto rin ang naghuhugpong upang posasan ang kanyang hinlalato. isinusuot niya ito kakambal ng diyamante at gintong singsing pangkasal.

regalo ito sa kanya ng asawa nitong pasko. gusto marahil ipabatid ng asawa ang ibayong pagmamahal sa kabila ng labintatlong taong pagsasama. sa kabila ng muntik na paghihiwalay sa taong ito. sa alahas, naipa-alala sa kanya ang sinumpaan- na isalba ang relasyon sa anumang pagsubok. ang relasyong tinubos sa luha ng kanyang ina.

sakto sa kanyang personalidad ang disenyo. simple pero may landi. napapangiti siya tuwing titignan ang singsing. bukod sa ligaya may halong kalungkutan ang ngiti nya. sabi ng kaibigang alahera, kailangang mababa ang kalidad ng ginto upang di kumalas ang batong hiyas.

Ang Birit ko
Kalokohan.

Nung bata pa ‘ko, kahit sa palabunutan sa gilid ng eskwela laway na laway akong mabunot ang mga pekeng singsing. Liban sa heirloom na sa ‘kin nakatakda, relo lang ang pwede kong isuot. Pwede, dahil yun lang talaga ang kayang bilhin. Nang minsan akong makabunot ng singsing, anong nangyari? Nahulog somewhere dahil sa liit ng daliri ko.

Nang matapos ako ng kolehiyo, kahit gaano ka-chaka, sumagi sa isip kong magpagawa ng college ring. As if kelangan kong ipangalandakan kung san ako nagtapos. Baket? Wala lang, parang ang lakas ng dating kapag may insignia ang daliri mo. I had the wits not to buy that ring (thank you, Lord). Pero hanggang ngayon iniisip kong magkaron ng sariling insignia. Yung tipo bang nakaukit sa metal at idinidiin sa tinunaw na kandila pang-selyo ng mga liham. With the email and all, kalokohan din sya.

Sa fraternity, wish ko lang may singsing kami. Pero ilan naman ang can afford para magkaron nun?

Ang singsing ay isang tanikala. Ang kagandahan lang ng tanikalang ito, hindi ka pinupwersang magsuot nito; kailangang piliin mong isuot ito. Di ba nga, dapat may dumadagundong pang, “Yes!” gaya ng sa pelikula?

Pero kalokohan.

Sa galit ko nung kailan, hinubad ko ang unang singsing na kumadena sa akin. Nag-care ba akez? Wiz! Keri ko ang cinematic effect- soli ng singsing sa saliw ng musika ... I found you, you found me… pota, i-found ninyo ang isa’t-isa. After all, yung kanya ngang singsing na kakambal ng sa akin na nawala years ago at talagang never nang na-found.

Ilang beses nang bumilog ang buwan, nagpalipat-lipat na ng posisyon ang mga bituin, at nakatatlong pulang araw na ang mga dapithapon. Napalitan na ang gripo at lababo sa banyo, nagkaron na ng bakod ang bahay ko, at ang mga sapatos na dating naka-public display ay naisilid na sa isang matinong cabinet. Nag-shift na ako ng framework mula program hanggang projects na lang. At ang apoy ko ay unti-unti na ring tumigil sa pagliyab.

At eto na naman ang isang bagong singsing, na sumuot sa daliri ko kasama ng lumang sumpaan (walang simbahan). Pasko. Malamig sa Baguio. Masaya ang lahat. Maraming excuses, maliban sa isa- maganda sya. Sinong tatanggi sa isang eternity na pink rubies? Na may kakambal na sapphire sa daliri ng lalaking itatanikala ko sa sarili kong bato? Masama bang maging girlash? Hinde. Masarap.

Pero may mga bagay na hihigit pa sa singsing.

May isang singsing na di ko malilimot. Ito ang singsing na ibinigay ng pers lab ko. Walang ginto, walang bato. Pinagbuhul-buhol na damo iyon ng sunken garden ng LB, na isinuot sa akin isang gabing nagbibilang kami ng mga tala. Walang pangako. Binalot lang ng isang ngiti. Pero sa isip ko, ang linya… “love is as eternal as the grass”.

Kalokohan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento