Gumising akong bumabaliktad ang sikmura ko. Beer lang naman ang tinumba ko kagabi, kaya definitely hindi yun ang dahilan.
Kagabi pa lang, sumingkit na ang mata ko at uminit ang dibdib ko nang mabasa ko ang text – tumawag ang may-ari ng apartment dahil inirereklamo si Honey at ang bakod na itinayo ng jowa ko. Pesteng mga kapitbahay yan, wala nang ibang nakita kundi kami.
Eto ang kapitbahay na on day one ay may claim na “community” ito, sa tono at kislap ng mata na nagsasabing: “Matuto kang makisama, at alalahanin mong baguhan ka nauna kami”. Potah. Kunin ba ko sa threat? On day one pa lang, may pader na fez ko- pass by everyday without smiling ako (malayo ang tingin drama, parang malalim iniisip, hindi ko kayo nakikita), LOL pero sa loob lang ng haws pag nasa labas Sirius Black ako, at para lang mang-intimidate tuwing lalabas ako para magbasa ang bitbit ko ay mga academic books na sinlaki at simbigat ng hollow blocks at pag nilapag ko ang title at ang spine dapat kita sa anggulo nila (sa loob ng haws ko binabasa ang mga komiks at showbiz magazines!).
Isang baranggay na kamag-anakan itong mga kapitbahay ko, “mga” kasi dati isang unit lang ngayon dalawang unit na sila. Ang duda ko nga kaya may pacomplain-complain ang mga ‘to ay dahil interesado silang makuha yung unit namin. Eto kasing si Johnny Bravo, na jobless at may excuse na sakitin pero mas matindi pa sa paktorya kung bumuga ng yosi, e family man na ngayon. Syempre, nakasiksik sya sa saya ng ate nya at nag-uumpisa ko nang maulinigan ang mga issues associated with living together as a super extended family. Parang fungi ang mga ito, pero baka nga mas mabuti pa ang fungi at may gamot para tumigil sa pagkakalat.
Feel kong ikwento ngayon ang sumpa ng mga engkantong ito. Two years ago, pagkatapos ng mahabang paghihingalo (as in halos isang taon!) ng nanay nila na-dedbol din. In fairness, ang matandang yun ay maagang nabalo at nagpalaki ng kanyang mga walanghiyang sandamakmak na anak sa sarili nyang pagsusumikap. Yumao yun na wala na atang laman-loob (sya rin mismo ang nagkwento sa akin). Sya ang unang kontrabida sa telenovela ko dito, until maging senile na sya at every chance she gets makulit na iniistorbo ang katahimikan ko sa aking thinking table. Ang sama ng may kapitbahay na naghihingalo, I tell you, bad trip talaga.
May fairy godsister sila, si Tess, na dating nakatira from across the street pero feeling nya she earned her right to park her car within the compound dahil sya ang nagbabayad ng apartment ng nanay nyang tinitirhan ng mga kapatid nyang walang kwenta, gaya ni Johnny Bravo. Kinasal na sya, mga three years ago, at sila ng asawa nya ang nakatira sa isa pang unit dito ngayon. Baog sya.
May almighty babaylan sila, I suppose sya ang eldest. Ahhh, this one is very interesting. It appears like sya lang ang gifted sa kanila. Kaya naman tuwing dadalaw sya ipinagsasalaksakan nya rin ang kanyang black old car na may super sticker- sticker ng UP. On hindsight, hindi naman mukhang matalino so baka naman nagtatrabaho lang sa UP kaya may sticker. Kung umasta talaga namang anak ng nature- mataas ang noo ever (kung alam nya lang na dalawa ang taga-UP sa bahay namin, hindi isa). Super proud ang lolang ito nang magsabi ang isang pamangkin na magu-UPCAT sya; dumagundong ang mga pader at halos yumanig ang lupa sa bigat ng mga grand plans nila. Ayun- nasa FEU na yung bata ngayon!
Si Babe naman, awa ng Diyos at umalis na sya, ang tatanga-tangang lover ng birds, tatanga-tanga kasi natatakasan sya ng myna bird (syempre, hindi nya kasi tinatrangka ang hawla!). Buti na lang umalis na sya dahil ang sagwa ng taste nya sa music- kung hindi Red Hot Chilli Peppers on a Sunday morning ay bumibirit naman sya ng Bee Gees song na sakto sana sa liit ng boses nya kung sumasabay man lang sa tempo kahit wala sa tono. Madali namang hulaan kung bakit tinawag ko syang Babe, ‘no?
Kasama nyang umalis ang kanyang asawang reklamadora at higanteng daughter. Mabuti naman dahil si Jubilee ay nag-uumpisa nang maging anorexic sa takot nyang tumaba gaya nila. Iisa ang anak nila, at hindi na masusundan. May sumpa (or baka hindi na umaabot sa laki ng tyan nilang mag-asawa).
Etong core family sa tabi ko, kung san nakasalaksak si Johnny Bravo and his growing colony, ay hindi interesting pero masasabi kong picture perfect ng isang miserableng pamilya: gabi-gabing lasing si airy husband who claims to be formerly a pulis (lord, kung maririnig mo lang kung gano ka-bright ang kanilang mga kwentong lasing), araw-araw na nakaburangot si fat wife na proud na proud sa kanyang pagiging manager ng Mercury Drug, at araw-gabi namang nag-iingles na bali-bali ang tyanak nilang junakis na kine-claim nilang henyo (funny, dahil nag-aaral sya sa isang eskwelahang may mabantot na reputasyon sa instruction). Ang tyanak na ito ang sumpa nila, effective 10 years from now this child will eat his parents’ flesh and dry them of their stinking blood.
So this morning, todo tipa na naman ang fingers ko. First order of the day: susulatan ko ang landlord, ibubuga ko lahat ng issue ko (kelangan bright, kasi abogado, at oo medyo cold and objective ang dating pero sa ending may kurot to the effect of ‘this is my home’). But most definitely, however it turns out, no one is taking my Honey away from me- magkamatayan na.

Yung lecheng impormasyon na yun kagabi, I’m sure, ang dahilan kung ba’t di ako natunawan at halos isang plangganang mapait na likidong may lumulutang na lechon de leche ang iniluwal ng bibig ko ngayong umaga. Pero, in fairness, I found myself writing again- may pinag-aapuyan na naman ang dugo ko. Hmpf!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento