Pinag-uusapan sya ng lahat. Kinatatakutan ng mga naging estudyante nya. Hindi dahil nambabagsak sya, kundi dahil paduduguin ka nya.
Hindi ko pa sya nami-meet tadtad na 'ko ng babala. Parang kulang pa ang lagim na nararamdaman ko sa Statistics, kelangan pa 'kong takutin na impyerno ang sem ko kapag si Dr. David ang naging propesor ko. At syempre pa, sya na nga at wala nang iba. Dalawa lang naman ang pagpipiliang guro sa subject na yun at naka-leave yung isa. Hindi ko na matakasan pa, dahil kelangan ko nga yung subject na yun.
Ang tanga-tanga ko rin naman kasi. Nakita ko ang curriculum ng pinili kong kurso, at alam kong halos kalahati ng total units ay puro Stat. Kaso, talaga namang interesting ang social psychology. Kung sa sugal, wala kang talo. Hindi ka man maging tanyag, o di mo man talaga maging propesyon yun, sulit ka naman sa lahat ng matututunan mo.
Sa tutuo lang, kaya ako nakaisip mag-aral ulit e dahil umabot na ako sa puntong nabuburyong na rin ako sa sarili ko. Parang wala nang masyadong challenge ang mga ginagawa ko. Kung meron man, sobra namang challenge na ramdam kong wala akong alam at sa maraming paraan e hinuhulaan ko na lang ang ginagawa ko. Kulang na kulang na ako sa armas, wari ko wala na akong mapipiga sa sarili ko at kung anupaman ang kailangan ko e hindi ko na mapupulot sa kalsada. Panahon na para bumalik sa eskwela, at tanggaping kailangan kong matuto.
At nun ko nga muling hinarap ang mga kakulangan ko. Sa kakaibang mundong ito, muli kong hinarap ang mga takot ko at kusa kong ibinaba lahat ng pagmamalaki ko.
Matanda na si Dr. David, at ang estilo nya ay ganun din- nagtatawag, nagpapa-solve sa board, at parang ayaw ka nyang tigilan hanggang ikaw mismo ang makahanap ng sagot sa tanong, o hanggang aminin mong hindi ka nag-aral. Kung magpa-exam, one to sawa at ilang tanong lang pero mula sa umpisa hanggang sa dulo ang tuhog. Minsan, isang linggong take-home exam. Feeling ko lang ha, walang nakapasa sa mga exam nya ever.
Tuwing araw ng klase namin, gumigising akong "Shit" ang unang namumutawi sa aking bibig. At parang buong araw akong naka-shabu sa pagkakagising ng buong diwa ko. Never atang nangyaring hindi ako nag-aral bago pumasok sa klase. Never din naman kasi syang umabsent o nagpostpone ng klase que si jodang dalawa lang ang present.
In fairness, inuulit nya ng leksyon kapag may absent o kapag napansin nyang nakatingala na sa kisame o nakadikdik na sa notebook ang mukha ng mga estudyante. Alam nya sigurong hindi na kami lucid kaya naman pati kung anong butones ang pipindutin sa calculator e itinuturo nya.
Ang notebook ko sa kanya ang pinaka-malinis at pinakakumpleto kong notebook sa buong buhay ko. Syempre, nire-rewrite ko kasi. Sa kanang pahina ko itinatala ang mga sinusulat nya sa board at sa kaliwa naman ang lahat ng paliwanag nya. Apat hanggang limang kulay ng ballpen ang gamit ko, para lang mas malinaw. Lahat ng bilog, parihaba, at linya ay iginuguhit ko para tukuyin ang dapat kong maintindihan.
Sa kaliwang pahina ko rin itinaytala ang mga leksyon nya sa labas ng Stat, mga pilosopiya ng buhay na tanging sa isang matalinong tao mo lang maririnig:
Wise people do not argue on semantics, but on meanings.
Brilliance shine in the way a person organizes his thoughts.
At marami pang ganito.
Hindi ko malilimutang lagi nyang sinasabi na titigil lamang syang magturo sa araw na mamamatay na sya. Dahil kapag hindi na sya nagtuturo, paaalisin na sya sa housing na kaloob ng pamantasan at ayaw na nyang lisan ang bahay na tinirhan nya sa mahigit 50 taon. Ang plano nya, diretso na sya sa sementeryo. Kapag ibinaon na daw sya sa lupa, wala nang mahihita ang mga uod dahil naibigay na nya sa mga estudyante nya lahat ng maikakatas pa sa kanya ng buhay.
Hindi lang sya mahusay na guro, mahusay syang talaga sa matematika. Ganitong-ganito mismo ang kapalaran nya. Nagtuturo, inatake ng karamdaman, naospital, at sa araw ding iyon... dedbol.
Hindi na ako dumalo sa lamay nya sa gitna na kabi-kabilang text ng mga kaklase at guro ko. Maliban sa ayokong nakakakita ng patay, ayokong makita syang walang buhay.
Sa dalawang sem na guro ko sya, hinasa nya ang aking little purol na brain. Sa kanya nabuhay muli ang mga natutulog na mantika ng utak ko. Binuhay nyang muli lahat ng takot, katapangan at pagsusumikap ko. Hindi ko malilimot na minsang narinig nya akong umaangal sa kaklase sa haba ng babasahin (500 pages sa loob ng dalawang araw!), ito ang winika nya:
“Isn't that what we do? We read.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento