Sa wakas naisuot ko ang trench coat na U2, na binili pa ni Sally sa ukay-ukay sa Cubao.
Halos mahulog ang buong langit sa lakas ng ulan. Halos tangayin na ako ng payong ko sa galit ng hangin. Halos kapantay na rin ng ulan ang ngitngit ko sa pag-aabang ng taxi sa terminal ng bus sa Ali Mall.
Late na 'ko sa opisina, at dugyut na dugyut na ang pakiramdam ko sa pagkakabasa. Sayang ang pagbo-blower ko ng buhok. Sayang ang aking bago at mamahaling sapatos. At putragis na mga taxi yan, parang nawala silang lahat sa kalsada.
Nun lumapit si Mang Pepito, nag-alok na ihahatid nya ako sa Ortigas sa halagang P200. Sabi ko P150 lang ang pera ko. Ayaw. Ayaw maniwalang wala akong pera sa bihis ko. Sabi ko alanganin sa sweldo wala na akong pera at pinakita ko pa ang baon kong tanghalian kasi nga nagtitipid ako. Pumayag.
Sinakay nya 'ko sa kanyang lumang Lancer at lumarga na kami. Sa halip na sa EDSA, nagpumilit syang C5 kami dadaan. Sa tutuo lang hindi ko kabisado ang daang iyon pera hindi naman ako ang may hawak ng manibela so ano pa nga ba.
At ano pa nga ba, e di inabot kami ng syam-syam. At singko-sanlibo ang haba ng kwentuhan namin. Nag-umpisa sa usapang pulitika, sa pesteng sitwasyon ng Pilipinas, at sa kaginhawaan ng pag-aabroad.

Ikunwento na nya ang kanyang buhay.
May negosyo sya, at ang pag-pick up ng pasahero sa terminal ng bus ay pampalipas oras lamang nya. Sa umaga at sa hapon lang naman kasi nya dinadalaw ang shop nya. Barkada na rin daw kasi nya ang iba pang nagpa-private transpo sa Ali Mall.
Balo na si Mang Pepito, may tatlong anak. Nasa abroad ang bunso nyang babae, may pamilya na. Ang ikalawa nyang anak na lalake ay isa nang arkitekto. At ang panganay nya ay isa nang ganap na pari.
Sabi nya ang saklap daw nang magpaalam ang panganay nya na gusto nitong magpari, kasi naman ay mahusay itong inhinyero at malaki na ang kinikita noon. May girlfriend pa nga raw na akala nya'y magiging manugang na nya. Pero wala. At ang hirap naman daw na sya pa ang maging hadlang sa pagsisilbi nito sa Diyos. Pero nga naman, kamamatay ng asawa nya noon. At kapag nagpari ang anak mo e para ka ring namatayan ulit.
Hindi nya maintindihan nang sabihin kong nagtatrabaho ako sa isang project ng CIDA, at wala akong balak na mag-abroad. Ang kulit-kulit ng matandang ito. Ayaw pumasok sa kokote nya na may mga taong kahit may oportunidad e ayaw umalis ng Pilipinas.
Muntik nang tumirik ang sasakyan nya bago pa kami makarating sa Emerald. Awa ng Diyos nakapasok naman ako sa opisina. At dun ko lang napagisip-isip ang kagagahang ginawa ko. E pano kung tarantado yung sinakyan ko? Engot talaga.
Dalawang linggo akong hindi nag-abang ng taxi sa terminal na yun. Wala akong planong makipag-barkada sa kanya noh!
At nang sa isip ko e matagal-tagal na rin at malamang 'di na 'ko mamumukhaan ni Mang Pepito, dun na ulit ako nag-abang ng taxi. Lord, markado ang lola mo. At hindi lang ni Mang Peping kundi ng lahat ng nakatambay dun.
Mula nun, may mga taga-tawag na 'ko ng taxi. Hello, may taga-bukas pa ng pinto. At kapag ayaw ng taxi sa Ortigas, may taga-mura na rin.
Itong mga huling araw, sa 20th Street na 'ko nag-aabang ng taxi. Hindi sa kung anupamang dahilan, napansin ko lang na umiigting ang kumpetisyon ng taxi sa Ali Mall.
Nami-miss ko ba si Mang Pepito? Hinde. Pero napapalingon ako sa gawing doon kapag dumadaan ang taxing sinasakyan ko. Naaalala ko na may kakilala ako dun. Walang pinag-iba sa nakilala kong driver dati ng truck ng gulay na sinabitan ko sa Sta. Cruz nung estudyante pa 'ko.
'Ta mo nga naman ang nagagawa ng kalsada sa isang desperadong pasahero.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento