(Isa sa tatlong seryeng pinamagatang Si Aida, Si Lorna at Si Fe.)
Kay Lorna nagsimula ang lahat.
Kaklase ko sya sa Soc 130, o Social Psychology. Pero bago pa kami nagkakilala, pamilyar na sya sa akin. Myembro kasi sya ng isang samahan ng mga Bicolano, at minsan na syang umawit sa isang dula. Hindi lang ang awit na yun ang tumawag ng aking pansin, kundi ang tinig nya. Hindi lang ang tinig nya ang tinutukan ko ng pansin, kundi ang mukha nya. Dahil nalaman kong pinsang buo sya ni Ute.
Dahil palakaibigan itong si Lorna, sya ang unang nakipagkilala sa akin. Agad ko namang binanggit na kilala ko si Ute ("kilala" as in pamilyar ako sa kanya). Singbilis nun ay kinwento nyang nang araw na yun ay dadalaw ang BF nyang nag-aaral ng Law sa Diliman. Sa tanghali din ng araw yun, eto na sya't pinuntahan ako sa dorm- umiiyak, nakipag-break sa BF. At mula nun, parang best friend na agad kami.
Bago ko pa namalayan imbitado na ako sa apartment nilang magkakapatid. Magkasama na kaming nag-aaral at nagluluto. Hindi sya masipag mag-aral, pero mahusay syang magluto. Hanggang ngayon nga, sa tingin ko ay di ko matutularan ang sarap ng laing nya- tutulo ang sipon mo sa sarap!
Ganun din syang kasarap kakwentuhan. Hanggang ngayon tuwing magkikita kami, tumitilaok na ang manok hindi pa nauubos ang hagikhikan namin. Sa lahat ng nakilala ko sa buong buhay ko, wala nang mas bibilis pang makaisip ng kalokohan kesa kay Lorna.
Walang lihim sa aming dalawa, pati diary nakabukas. Luha man o halakhak, kaya naming pagsaluhan nang walang kahihiyan. Magkasama kami sa maraming mahahalagang sandali sa buhay nilang mag-anak: [nurse] capping ng kapatid nya, work recognition ng tatay nya, earthquake noong 1991, pagpapaalam sa boypren, pakikipagkita sa hindi boypren at maraming pang dramatic at comic moments. Pinagtakpan nya ako sa nanay ko sa di mabilang na pagkakataon. At sa sarili nyang paraan, isinet-up nya ako sa pinsan nya... pati na sa sumunod na ngayon nga e jowa ko na.
Palakaibigan si Lorna. Kung iisipin ay espesyal ang pinagsamahan naming dalawa. Pero ganito rin sya sa iba. Kahit ipakilala nya akong best friend, may mga ikinukwento din syang "best friend". Kahit maramdaman kong ukol sa akin ang mga sandaling magkasama kami, napag-alaman kong hindi ito katangi-tangi.
Kahit pala sa pagkakaibigan, may takot ka ring mararamdaman- na hindi ka magiging kawalan sa kanya. Gusto mo ring makaramdam ng katiyakan na sa taong ito, nag-iisa ka. At kapag alam mong hindi ganun ang kalakaran, hinahanap mo din ang ibang mundo- maghahanap ka rin ng ibang “best friend”.

Unti-unti, matututunan mong si Batman lang ang forever.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento