Gold

Ito na nga ang tunay na Saturday. Walang assignment, walang trabaho, may cleaning lady, at walang peste sa buhay ko.

Matapos akong turuan ni Kiel sa pagda-download ng mga movies online, kumaripas ako pauwi amidst the traffic and against time. Nagtetext na si Wendy. Andun na sila, may beer sa concert grounds at all caps ang inggit nya dahil gold ticket ako at sila ay silver lang. O well, anniv ko.

Anniv ko at nagdadalawang isip ako kung magpupustura ba ako. Hello, gold ticket ako so siguro naman maganda ang pwesto namin. Dadalhin ko kaya ang Fruitcake; what are the chances na makapagpapirma ako? Why nots? Kung kay Piolo Pascual nga naisip kong humingi ng autograph at kung ang pirma nga ni Charlie Rivera ng Menudo ay nakaipit pa [somewhere] ngayon, ba’t naman hindi ko pangangahasan yun kay Ely Buendia? Who knows kung kelan sya maglalaho?! Binitbit ng jowa ko ang book, ang sabi nya rin- why not?

Tense ako, excited. Lampas isang buwang naka-ekis ang mga daliri ko, super quiet na sana maalala ng jowa kong bumili ng tiket. Abalang-abala kasi ang lolo ko nitong mga huling linggo. Pero asukal sa lahat ng pandesal- nakabili sya ng tiket, at gold [uulitin kko, gold ticket!]. Nanamnamin kong magwala tonight. At least hindi asiwa, kapanahunan ko ang Eraserheads at walang magsasabing wala akong karapatang magpaka-wild ngayon.

Hala sige, hinalikan ko muna si San Miguel hanggang mahilo-hilo ako. Kung pwede lang iturok ang alcohol itinurok ko na para mabilis ang tama, at hindi nakakaihi.

Potek, na-late tuloy kami. We missed the entire first set, after going through the tryke, trains and jeep, not to mention the ten-kilometer walk. Exaj na yun, pero grabe talaga ang Mall of Asia. Ito’y isang lugar na dapat pagplanuhan bago sadyain.

Bago pa kami makarating, malapot na ang pawis ko, nahunasan na ata ako, at sa kasamaang palad e zero calories na rin ang katawan ko. Muntik-muntikan na akong himatayin. Hindi pala ako kumain, ngayon ko lang naalala. Keber ko na kung nagtataka na ang mga tao sa likod ko kung ba’t ako tumutuwad. Wala na akong panahong magpaliwanag. Magpasalamat na lang sila kasi kung hindi ko ginawa yun, natumbahan ko sila [at dyahe naman, naka-UP shirt pa naman ang lola nyo].

Irita. Ito pala ang gold- mga dalawang libo kayo at tantya ko mga 300 meters ang layo sa entablado. In the end, sa TV pa rin ako nakatanghod. Naalala ko nung 1988, nang mag-concert si Gary V sa UPLB at nag-decide akong wag nang bumili ng ticket at making na lang sa gilid ng auditorium. Katwiran ko nun, hindi ko rin naman mahahawakan kaya pakinggan ko na lang. Tama rin yun e. Pero ngayong gabi may justification ako - It’s the experience.

Wala namang gwapo sa E-Heads. Pare-pareho silang gusto kong habulin ng gunting. Ang hahaba ng buhok. Tinatanong ko rin si JS, ba’t ba sila nakadoble ng long sleeve e pagkainit-init? Para kaya hindi makita ang pawis ng mga kili-kili nila? Nagkasundo kami ni JS mukha na silang mga laspag, at sa kanilang apat e si Buddy na lang ang mukhang in good shape. Etong si Ely, marunong kaya syang tumawa? Pero dati ko pang tanong yan. Kagabi ang sampung ulit ko atang itinatanong e, naka-eye liner ba sya? Pero in fairness, only Ely Buendia can wear a shirt that combines all the awkward colors na sa parang sa powerpoint mo lang maa-appreciate. At sino naman itong extra guy na taga-batingting ng trianggulo?

Balikan natin ang experience. I think height rules pag dating sa mga ganitong konsyertong tayuan lahat. And even without knowing for sure, I’m inclined to think edukado [at the least talagang mapera] ang mga utaw. Walang nagbabalyahan. Walang nagmumurahan. Kahit nang magtakbuhan pabalik dahil may extra set pa after the bows [as usual]. The times have also changed. Maraming naghahalikan. Noon, the most would be yakapan at play ng mga holding hands. Ang mga pisngi ng kababaihan e hitik na hitik sa blush-on na para bang hindi na sila magme-makeup bukas.

Yung bilihan ng beer ay nasa pagitan ng gold at silver ticket holders. Kung akala ko e napakadegrading na ng treatment sa gold, e hello nakabarikada ang mga silver at halos nagmamakaawa para pansinin sa bilihan ng beer.

Nakita ko rin naman ang kagalingan ng organizers. Without even asking, may nag-abot na sa akin ng abaniko [malamang dahil nga mukha na ‘kong hihimatayin]. Aba’y parang EDSA revolution na binabantayan ng sandamakmak ng gwardya ang walk path ng mga tao [of course in favor of those who have cars]. At walang nakakalusot na taxi para magsakay kung saan-saan, dun lang talaga sa taxi stand [na syempre ayaw ng mga taxi dahil hindi sila makapamili ng pasehero]. Regardless. I think regulations like these are really good.

Nakaka-senti. Parang kalian lang, nung estudyante pa ako, ginawan ko pa ng special feature ang Eraserheads sa radio program na hinawakan ko noon. Con todo research yun. Nothing fascinating naman ang grupong iyon dati, they were just like a group of crazy boys that went around with some groupies [or so they impressed me as such]. They were an inspiration to the many UP undergrads and delinquents- as if dineklara nilang ang talento ay talento, sa kalsada man o entablado.

Tulad ngayon, kay bilis naglaho ng kahapon…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento