Makulimlim, parang alas-singko ng hapon. Naririnig ko ang tunog ng ulan pag tumatama sa yero at sa simento. Hindi kasintamis ng tunog nya kapag pumapatak sa mga dahon.
Maraming dahon sa may bintana ng kwarto ko. Halos humalik na kasi ang punong mangga ng kapitbahay namin. Mga tatlong taon na nakakaraan, naalala ko, katabi ko ang dalawang bata sa bintanang ito. Binibilang namin kung ilang uri ng gagamba ang makikita sa punong ito. Matutuwa ka naman talaga, ang dami at ang gaganda nila! (Read: Hindi ko na tanda ang bilang, mahina ko sa Math e).
Dapat bumangon na pero nakakatamad- ang daming labada at ang dumi ng bahay. Medyo nangangamoy Honey na ata dito kaya kelangan maglinis. Shih poo si Honey. At ngayon naalala ko, baka gutom na sya. Yung labada? Hmmm… kelangan pag-isipan, kasi nga umuulan.
Dapat damputin ko na yung cellphone ko at sumagot sa mga text (kung meron). Patingin. Wala. Ibig sabihin siguro masaya naman lahat kagabi. O pwedeng tulog pa ang mga bampira.
Pag paling ko sa kaliwa, naamoy ko na naman ang bad breath ni JS at tinamaan ng paa ko ang malamig nyang binti. Pati braso malamig. Hindi naman sya bangkay. Buhay pa naman sya (siguro/sana). Hinila ko ang kumot para balutin kaming dalawa, tapos dinantayan ko na sya. Eto ang masarap e, yung may katabi kang laman na hindi pa nangunguluntuy; yun bang makunat at medyo lumalaban pa.
At dito ko inisip, habang nakadikdik ako malapit sa kili-kili ni JS: ano nga ba ang ‘perfect day’?
Letter A: Batibot
Alam na siguro ng lahat kung ano to- maganda ang araw, walang pasok sa eskwela o sa opisina kaya pwedeng maglakwatsa.
O kaya ito yung isusuot mo ang bago mong damit, susuklayin mo ang napakaganda mong buhok (Read: walang tutsang, walang fly away walang balakubak, maganda ang gupit- wala kang napatay na parlorista!).
Kekendeng-kendeng ka pag labas ng bahay, sumisipol pa siguro o pumipitik-pitik kung marunong ka. May mapupulot kang isang daang piso, may lumilingon pag daan mo, pag kaway ng kamay mo may titigil na taxi (Read: may pambayad ka sa taxi), at lahat ng ka-OAan mangyayari sa araw mo.
Letter B: An Affair to Remember
Eto yung buhay ko nung mga 1993/94 (sabi nang mahina ko sa Math e). Gigising ka sa umaga at una mong maiisip ay: “Shet, ngayon kami magkikita”. Halos hindi mo malaman kung sa balat ba o sa buto mo ang nanlalamig, ang sikmura mo parang hinukay ng sepulturero, at ang paa mo hindi nakasayad sa lupa. Utak mo lang ang sumasayad kasi magkikita kayo.
Kapag nasa malayo ang mahal mo, kapag hindi ka sigurado kung mahal ka nga nya, kapag BAWAL kayong magkita… para sa yo ang ‘perfect day’ na ito.
Letter C: Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
Eksena ko to kanina kaya pwedeng basahin na lang sa taas.
May children’s version ako nito, at ito ang paborito ko - yung bang walang pasok, tulog ka lang hanggang gusto mo, pwede ka ring humila ng komiks sa ilalim ng kumot, tapos papasok nanay mo sa kwarto mo (walang katok-katok, hindi naman dati uso yun e!), bubulong sya…. “Anak, baba na, nagluto ako ng ginatan.”
At kanta rin ito. Marami na ngang kumanta nito, pati kaibigan ko sa videoke, paborito to. Nahihiya lang akong aminin pero sige na nga- gusto ko rin to.
Gusto ko ang ulan e. Parang napaka-dalisay ng tubig na pumapatak galing sa langit. Masarap tumakbo at magpakabasa sa ulan, tumili kapag kumukulog, makipaghalikan habang nangangatog sa ginaw. Parang kapag umuulan may sariling musika ang paligid mo at pwede kang makikanta o sumayaw, o kaya ay humalukipkip sa paborito mong unan o kahit ano pa man ang gusto mong yakapin.
Pero dati yun. Ngayon hindi na.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento