We were never friends. Yan ang confession ng mga mga 'kaibigan' ko ng 16 years.
Pano nila akong magiging kaibigan e lapitan nila ako ng payo- mula boypren hanggang jowa, basta lovelife sa akin ikinukonsulta. As if naman, perfect ang aking record pagdating sa pag-ibig! Pero sa akin sila lumalapit, nagkukwento, at ever ang papel ko ay ang mag-second guess kung anong tumatakbo sa kokote ng mga hunghang nilang love objects.
In fairness, may mga significant din namang social at political relationships na inilalapit sila. Kung minsan, assessments of their crazy selves ang ginagawa namin. Nagbiro na nga ako na maghahain ako ng lata tuwing dadalaw sila; fund raising pambili ng kapalit ng pink sofa sa labas ng bahay ko. Dito kasi nagaganap ang aming sessions, kasabay ng sari-saring alkohol at pulutan.
Ever since the world began, kahit nung hayskul pa ako, tambayan nang lagi ang mga nagiging tirahan ko. I guess feeling at home lang talaga ang mga so-called friends ko. Dati, nanay ko ang binuburingring ng mga barkada ko. Tapos, landlady naman ng boarding house. Nang magsarili na ako... jowa ko naman, na ever the bartender ng mga kaibigan ko- busog na sila sa asikaso libre sexual harassment pa.
Si Diana ang isang kaibigan ko na alleged malayong pinsan ng jowa ko. Hindi ko sya gaanong KC dati nung college. Lately na lang napadalas ang pagkikita namin. Malamang kasi iilan na lang kaming naiwan sa Pinas. Si Diana din ang may pinaka-long running record ng consultations sa akin. Iisa ang focus ng issue nya- ang jowa nya.
Matagal syang kumukunsulta tungkol sa kanyang hubby, na hindi rin nya tinatantanan ng kabubunganga. Hindi ko naiintindihan ito dati, kaya walang humpay din ako ng kakakalma sa kanya. Sa isip ko na lang, "to kasing jowa nya, malandi rin talaga". At 'ta mo nga naman ang kapalaran- mas malala pa ko sa kanya, kulang na lang kutsabahin ko si Satanas para makaganti lang ako.
So pano nga nila ako magiging kaibigan kung pakiramdam nila hindi patag ang lupang tinatapakan namin? Kung sa wari nila, lagi akong "composed" at in control sa sitwasyon? Paano ngayon magiging kataka-taka na kapag sila mismo ang may kapalpakan, hindi nila masabi-sabi kundi sermon ang aabutin nila sa akin.
Hindi nga kami magkakaibigan. Sa haba ng panahon, sa dami ng paghihirap, at sa bigat ng mga unos na pinagdaanan namin, hindi na pagkakaibigan ang tawag dun. Magkakapatid na kami. Malas lang kasi sa relasyong ito, obvious ba na ako ang mas matanda?
Ang masarap lang sa pagsasamang ito, pag tumalab na ang alkohol wala nang bata't matanda. Kapag lasingan na, patas lang ang murahan at panlalait namin sa isa't isa. Wala nang lihim, wala nang kasinungalingan, at wala nang pagpipigil kapag naghahalo na ang luha, pawis, sipon, at apaw ng alak.
Isang pagpupugay sa inuming ikaw lang ang bumabangka, Diana! Libag mo lang ang tutunggain namin kasalo ng iyong Slammer:
Kalahating Sprite, kalahating tequila... sa jigger... takip ng kanang palad, dakma ng kamay... bigla at malakas na hampas sa mesa... Akin ang unang tagay.
Putang ina nilang lahat!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento