May tatlo akong wish para sa 40th birthday ko: makapag-publish ng libro ko, mag-pose ng nude for my own portrait, at mag-party ng bonggang-bongga kung san iipunin ko ang aking friends from different walks of life.
Ang hirap nyong pagsama-samahin. Ang lalayo nyong lahat sa akin. And then I realized, halos lahat ay nasa Facebook na.
Hmmm… gusto ko pa ring magkaron ng nude portrait. At gagawin ko pa rin yun. Pero hindi for publication, for documentation lang.
Malabo namang mag-publish ako ng librong matalino. Hindi pa kaya ng powers ko. At hindi lalo kaya ng time ko.
So eto, inipon ko na lang ang sa tingin ko maeenjoy nyong basahin.
Ilan sa inyo ay nasa loob ng mga kwento dito, ang iba pa nga e bida. Marami pang ilan na hindi ko na isinama dito, masyadong hebi kasi. Pero gusto ko lang malaman nyo na hindi lang kayo basta dumaan (or ako, hindi lang ako basta dumaan) at lumipas. Naiisip ko kayo. Kinapulutan ko ng aral ang mga interesting na buhay at takbo ng isip ninyo. Pinalitan ko naman ang mga pangalan (mahirap na).
Kundi nyo magustuhan, alalahanin nyo na lang na: (1) isinulat ito sa iba’t-ibang yugto ng panahon, (2) hindi lahat ng iniisip ko ay ginagawa ko, at (3) walang nakataga sa bato, ilang ulit ko nang pinalit-palitan ang laman ng mga kwento dito.
Kwento lang ang mga ito. Opinyon ko sa panahong isinusulat ko. Pero nung sinulat ko, hindi ko pa naiisip na isang araw ay ilalabas ko pala.
Dahil alam kong lahat kayo ay masayahin, matalino, at higit sa lahat ay opinionated, gusto kong mabasa kung anong tingin nyo. So game, pili na at mag-iwan ng komento. Party ko ‘to noh!