Would you rather be the head of a mouse than the tail of a lion? Isang tanong na hindi ko malilimutan.
Grade 6 ako nun. Unang araw ng klase. Sa unang pagkakataon, pinagsama-sama na ang lahat ng mahuhusay sa lahat ng section sa loob ng limang taon sa elementarya. Tagisan na ng galing. Lahat ng running for honors, kabado. Lahat naman ng first timer sa kumpetisyon, litong-lito. Ang tanong nila: Baket? Ayoko dito; hindi masaya, masyadong tahimik, at masusungit ang guro.
Hindi si Mrs. Brillantes ang adviser namin, sya ang guro namin sa Reading and Phoenics. Tanyag sya sa kasungitan, dala na rin marahil ng makapal nyang make-up at mapusyaw na tina sa buhok na litaw-litaw sa kanyang mestisahing kutis. Liban pa sa kanyang pagiging maselan sa kalinisan ng notebook at mga aklat, nagpapatayo sya ng noisy pupils sa sulok ng silid.
Kada Byernes, bitbit nya ang isang kartong puno ng maiikling babasahin na sa dulo ng pagbabasa ay may scoring at categorization kung ikaw ba ay green o gold reader na. Pabilisan sa pagbabasa, paramihan ng tama, at karera sa pag-akyat sa lebel ng samu't saring kulay. Para sa kanya, hindi tutuong mga Mathematician ang hari ng mundo. Walang kwenta ang kagalingan sa pagbibilang (kaya na daw ng calculator yun). Ang tao ay nasusukat sa husay nyang umunawa, magbasa, magsulat, at magsalita ng wikang dayuhan.
Sa kanya ko unang naranasan magre-write ng hindi mabilang na beses. Anya, tumatalim ang mga ideya tuwing uulitin mo itong basahin at isulat. At walang dapat ikahiya doon. Ang pagsusulat ay walang katapusan.
Nang makapasa ako sa hayskul na humahasa sa agham at matematika, binulungan nya ako: "Huwag kang matakot na lumihis ng daan. Hindi lahat ng matalino ay mahusay magsulat. Kung san sila mahina, doon mo sikaping maging magaling. Sa huli, uuwi sa wala ang lahat ng ideya nila kung walang magsusulat." Hindi nya dapat sabihin yun, kaya matapos nya akong yapusin ay kinindatan nya ako.
Mas mainam sana kung sa paaralang iyon din ako nag-hayskul. Nakaganti sana ako sa sama ng loob ko sa mga kaklase kong nilagpasan ako sa linya ng mga honor students. Pero may anak bang tinatanong ng magulang kung san nya gustong mag-aral? Sa mga panahong yun, wala.
Kaya oo, lumipat ako ng eskwelahan nung hayskul. Doon, nagpabandying-bandying ako. Hanggang nagtapos akong kalagitnaan sa pangkalahatang ranggo ng mga estudyante. Buti na lang at sumabit pa ako sa UP, kung saan nagtapos din akong pasabit-sabit.
Kung minsan naiisip ko: napakaraming pagkakataon na sana ako na ang pinakamahusay, kung pinili ko lang maging pinakamahusay sa mga mas simpleng paaralan, kurso, samahan at opisina. Kung bakit mas gusto ko sa mas mahirap, na kung saan halos kulelat ako at laging nagmumukhang tanga. Pero, gusto ko nga ba yun?
Sa edad ko, alam ko na. Kailangan ko ng sapat na hamon, para maramdaman kong kailangan kong magsumikap. Its the struggle that makes me feel alive. Kung kay Miley Cyrus pa - it's the climb.
At sa katapus-tapusan na hindi ko maabot ang tuktok, masaya pa rin ako. Sabi nga ng patalastas ng Dunkin Donuts: "It's worth the trip".

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento