Sumawsaw ako sa napakaraming socializing tools ng web- Friendster, Hi5, Multiply, LinkedIn. Lahat gawa ng kabubuyo ng aking so-called friends.
Si Charing pwersahan akong pina-join sa Friendster. Magchi-chingching daw sya kapag hindi ako nagregister. Ayun, to this day pangalan ko pa lang ang nilagay ko dun at sya lang ang kaisa-isang friend ko. Hindi ko na maalala ang password ko.
Si Kiel chumika ng Hi5 when he was still in the far away land of SA. We had a few exchanges. Yun lang ang naaalala ko at ang picture nya.
Dahil kay Manong R, napapasok ako sa Multiply. May blogs daw kasi sya doon. At nun ko na-discover na may account daw ako sa Multiply. Kung kelan ko napasok yun ma, at lalong ma kung anong password ko. Baka napaindot ko lang yun sometime ago habang nag-sleepwalk ako.
Gawa naman ni Wendy, naligaw ako sa Linkedin. Quite frankly, nabighani ako sa ideya. Sa isip ko, for once naman medyo seryoso- professional ang dating so may I write naman ako ng aking track record. May kumontak na ba sa akin? Wa. Kung meron man baka nabura ko sa pag-aakalang spam sya.
Opkors marami din akong egroups, na eventually ay dini-delete ko lang dahil puro forwarded messages na supposedly nakakaiyak, nakakatawa, nakakatakot, o nakakadasal ang laman. Kung meron mang naging useful sa kanila, yun e yung mga egroups sa mga academic courses. Pagkatapos ng isang sem, keber ko na.
Itong blog na ito, bunga rin ng pambubuyo ni Kiel na binuyo din ni G [o nasan na kaya sya ngayon?]. Well, very timely naman ang pausong ito. Kahit naghihingalo na ang pagsusulat ko, truly lagi kong iniisip na kelangan ko ng entry kasi para sa akin ito. At one point na-addict pa nga ako at nanganak pa ito ng dalawa pang sites… na ngayon e parehong umaalog din. Pero keber, uusad din yan, hindi naman ako nakikipagpaligsahan sa ratings.
And then the Facebook came about, or let’s just say I finally heard about the Facebook from who else but Kiel and G.
Fascinating ang tool na ito: kusang nagkakalaman! At akalain mong ang mga taong hindi ko na maalala e biglang sumusulpot? Dahil “evil” ako gaya nang paulit-ulit na sinasabi ni Kiel, umpisahan ko sa mga major irita:

1. Mga “kaibigan” na nagbabago ng apelyido – Ba’t ba tong mga girlash na ‘to e parang na-aamnesia at biglang nakakalimutan ang apelyido ng tatay nila?! Sa dami ba naman ng Eileen, Maryanne, at Annie, e kakabitan pa nila ng mga apelyidong sa movie credits ko lang nakikita!
2. “kaibigan” na nagpalit na ng apelyido e naglalagay pa ng picture ng anak o ng artista – Aber, sino kaya itong baby na nasa ID photo? O itong si Josh Harnet at Aga Muhlach na hindi ko matandaan kung naka-date ko ba once upon a time? May kakambal tong mga ganito e- yung mga naglalagay ng picture na ga-langgam sila sa isang panoramic picture, akala ata e may magnifying lens akong katabi.
3. Mga friends na walang magawa at tuwing mag-oonline ako e nagyayayang maglaro ng poker o kung anong games – Lord, Solitaire lang ang nilalaro ko sa computer! At sa tagal ba namang di kami chumika e gugustuhin ko pang makipaglaro ng Travian?
4. Mga alien na humihirit ng “remember me” – Ok sana kung may laman ang profile para ma-remember ko nga. Mas ok kung ang hitsura nila e hindi nagbago from 20 years ago.
Gusto ko sana mas marami pa akong malalait sa Facebook, kasi nga evil ako. Pero heto naman ang mga labs ko:
1. Mga surprise friends – mga taong feeling ko e hindi ko naman close dati o hindi naman ako pinapansin dati pero biglang feeling BFF na.
2. Mga lumang litrato – ang mga mukhang gago pero nakalimutan nang larawan from a long long time ago. Tuwing may ganito, parang bumabalik ako sa moment nung nagbibilang ang photographer ng “1, 2, 3, cheese!”
3. Mga taong binansagan ko – ang mga true name nila o bago alyas ay nakapaskil pero pag nag-iwan ng note sa akin sasabihin nilang “uy, si Jopis ito”. Di ba heart-warming?
4. Mga bukingan – yun bang mafi-feel mong kahit mukha kang ngokngok dati e like ka pala nila, o kaya inaantabayanan pala ang blog mo.
[Para fair, apat-apat na lang]
Nitong kelan lang may pumasok sa listahan ko, isang kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ko. In short, hindi ko ka-close (pero nasa photo album ko nung hayskul ang solo picture nya). Uy, hindi ko sya crush- pramis. Pero darling sya ng bayan; makapal kasi ang mukha nya. Pero ok lang kasi gwapo naman sya, at disimulado. Itinuro nya sa akin ang egroups kung nasan daw ang ‘dabarkads’. Ngek, hindi ko naman sila dabarkads hello. Pero syempre join naman ako, at aliw-iw ang lola nyo dahil andun nga “sila”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento