It's A Party

May tatlo akong wish para sa 40th birthday ko: makapag-publish ng libro ko, mag-pose ng nude for my own portrait, at mag-party ng bonggang-bongga kung san iipunin ko ang aking friends from different walks of life.

Ang hirap nyong pagsama-samahin. Ang lalayo nyong lahat sa akin. And then I realized, halos lahat ay nasa Facebook na.

Hmmm… gusto ko pa ring magkaron ng nude portrait. At gagawin ko pa rin yun. Pero hindi for publication, for documentation lang.

Malabo namang mag-publish ako ng librong matalino. Hindi pa kaya ng powers ko. At hindi lalo kaya ng time ko.

So eto, inipon ko na lang ang sa tingin ko maeenjoy nyong basahin.

Ilan sa inyo ay nasa loob ng mga kwento dito, ang iba pa nga e bida. Marami pang ilan na hindi ko na isinama dito, masyadong hebi kasi. Pero gusto ko lang malaman nyo na hindi lang kayo basta dumaan (or ako, hindi lang ako basta dumaan) at lumipas. Naiisip ko kayo. Kinapulutan ko ng aral ang mga interesting na buhay at takbo ng isip ninyo. Pinalitan ko naman ang mga pangalan (mahirap na).

Kundi nyo magustuhan, alalahanin nyo na lang na: (1) isinulat ito sa iba’t-ibang yugto ng panahon, (2) hindi lahat ng iniisip ko ay ginagawa ko, at (3) walang nakataga sa bato, ilang ulit ko nang pinalit-palitan ang laman ng mga kwento dito.

Kwento lang ang mga ito. Opinyon ko sa panahong isinusulat ko. Pero nung sinulat ko, hindi ko pa naiisip na isang araw ay ilalabas ko pala.

Dahil alam kong lahat kayo ay masayahin, matalino, at higit sa lahat ay opinionated, gusto kong mabasa kung anong tingin nyo. So game, pili na at mag-iwan ng komento. Party ko ‘to noh!    

Nirvana

Ramdam ko pa ang kirot.

Kapapanganak ni Kris Aquino kay Joshua. Yan ang headline sa dyaryo nang araw na yun. Humupa na ang epekto ng droga sa katawan ko, kaya may kalinawan na ang isip ko. Kaya rin parang mas ramdam ko ngayon ang malaking sugat na tangan ko. Peklat ito, I'm sure. Sana hindi mag-keloyd, at hindi naman siguro.

Tama si Manang Violy. Pagkatapos ng lahat, gagaan ang pakiramdam ko. Magiging maaliwalas ang lahat. Pero hindi ako makalakad ng maayos. Di ko mapigilang tumupi. Wari ko kinakaladkad ko ang mga paa ko. Pilit kong tinutuwid ang sarili ko, tinataas ang nuo ko. Yun lang ang paraang paglakad na alam ko. Kahit namamaga ang dibdib ko. Kahit tabingi pa ang tingin ko sa sahig. Keber. Ito ang araw na yun.

Parang walang kasinghaba ang paglalakad na ginawa ko. Hindi ko na maalala ngayon kung kelan ako lumiko, dumiretso, umakyat o bumaba. Hindi ko na rin maisip ngayon kung sarili ko ba ang pinang-iingatan ko noon o ang tangan ko.

Nang marating ko ang unang hakbang palabas nang kulungang yun, parang gusto kong pumikit sa sarap. Ngunit paano ka kukurap sa ganda ng sinag ng araw na nakikipag-ulayaw sa lamig ng simoy ng hangin?

Tanaw ko ang nagsasaliwang mga bundok, na kahit kailan ay di ko pa narating at kahit sa pangalan ay hindi ko kilala. Kung bakit sa araw na ito, parang umatras ang mga ulap para bigyang daan ang mga bundok.

Natigilan ako sa lahat ng ito. Tamang-tama ang lahat. Tsaka ko na iisipin ang mga susunod na araw. Tsaka na ako luluha. Tsaka ko na pagsisisihan ang lahat. Tsaka ko na haharapin lahat. Walang katulad ang sandaling ito.

Tinitigan ko ang sanggol sa bisig ko. Sinasabi ko na nga ba, tatawagin ko syang Nirvana. Pero hindi bale na. Ang langit kahit sa anong pangalan ay langit pa rin.

Anak, ito ang araw na ibinaba mo sa akin ang buong kalawakan.

One Friday Morning

“She’s inside na, the guidance counsellor took all the girls away balikan na lang daw at 12nn but I’m still here iniisip ko san pwede tumambay where I can work. Tindi ng araw dito sa waiting area sa guard e.” Text ko yan kay En, a few minutes after mawala sa pananaw ko si Jubilee na animo’y nilamon ng building ng St. Theresa’s.

Ayun na sya, in her pink hooded blouse and denims with her katya bag. She did not even look back, as if alam na nya anong gagawin nya all the way while I looked on na as if okey lang kasi ganun talaga. Well, ganun naman talaga. Nakikiramdam din ako sa ibang nanay na nag-“goodbye I’ll pick you up later” sa mga daughters nila as they took off in their shining shimmering cars.

None of the drama-comedy eksena like nung hinatid ko si Isaac to take his entrance exam at Philippine Science, kung san maraming haplusan at halikan sa mga anak at “galingan mo anak, alalahanin mo lahat ng ni-review natin, dapat maipasa mo ito para iskolar ka anak”. Hindi naman kami nag-drama nang ganung mag-ina, after all pupungas-pungas pa sya sa antok nun. Can’t blame the boy, he’s really quite young for his school level. Hindi nga ako sure kung naiintindihan na nya nun kung gano kaimportante yung gagawin nya.

Patanung-tanong sa bawat kanto hanggang makarating na ako sa Retiro, hanggang tumigil na ako sa Figaro. Dapat sana Starbucks ang hinahanap ko. Pero linchak, namumula na paa ko sa kalalakad at natanong ko na simula sa gwardya hanggang sa kargador at tinder ng yosi wala pang bumabanderang Starbucks.

Habang binabanatan ko ang Food for the Gods at decaf na kape, kumakarera utak ko – ano kayang ginagawa nila? Mahaba-haba rin kaya ang limang oras para sa exam. Baka may interviews din. FGD kasi marami sila? If it were Isaac I wouldn’t be worried. Pero mahiyain kasi si Jubilee. Usually pag tinanong, ang sagot laging kibit-balikat lang.

Kung may tour of the campus, I’m pretty sure that is something she will enjoy. Actually I’m hoping na meron so she can get a feel of the place. No – so that she can agree with me that it’s quite a good school. This girl is one stubborn, hard-to-convince child who needs to make up her own mind about everything. Dapat pinadaan ko sa Ambassador cum lobbyist na kuya, kaso he’s going through a difficult teenage stage so parang hindi kami vibes.

I have hoped a couple of years ago that En would agree to send her to the National High School for the Arts. But at twelve? Syempre the father said no. And this is why it’s quite a challenge to find a school for her. She is not the intellectual child, or rather, the academic child. She’s an artist, and already at a young age she has defined herself to be that. So I felt we need to send her to a school where she will fit. I am quite convinced that there are a few good schools that can provide her lessons in the music and arts. Yun lang, feeling ko girls schools ito. I’m not a big fan of exclusive schools. But that’s me.

Sabi ni Kahlil Gibran, your children are not yours. Dadalhin daw sila sa isang bukas na kailanman ay hindi mo madadalaw. Well, san man yun sana maihatid ko sila dun. And then I can go off to some coffee shop and do my thing... while I keep thinking of them, wondering – ano kaya ang ginagawa nila?

Ang Siwang sa Pader

Abalang-abala si Diding. Sa araw, tuloy pa rin sya sa paggawa ng mga tulay. Sa gabi, kapag mga kuliglig na lang ang gising, isa-isa nyang sinasalansan ang mga bato sa likod ng hardin.

Si Diding ay nagmula sa angkan ng mga inhinyero. Sa bayan nila, isa ito sa mga pinakamahalagang papel na maaring gampanan ng sinuman. At dahil babae si Diding, higit na syang kinagigiliwan. Mas masinop daw kasi ang babae; mas madetalye at malasakit sa katapusang yari.

Liban pa sa husay ni Diding sa pagbubuo ng maraming tulay, gusali, at iba’t-ibang mga makina, may mahika ang mga kamay ni Diding sa pagtatayo ng mga pader.

Sabi-sabi, bawa’t isang nilalang sa Balon ng mga Pabo ay may angking salamangka. Libong taon na ang nagdaan sabi-sabi pa rin ito. Ayon sa alamat, bawat Pabo ay nakatakdang maglihim ng kanilang salamangka.

Ang Balon ay paraisong inukit sa simple at mapayapang pamumuhay. Bawal gumamit ng salamangka. Bawal pag-usapan. Kung walang gagamit, walang mag-uusap ukol dito. Sa tamang oras, nalalaman ng bawat Pabo ang kanilang angking salamangka pero kasabay nito ang lihim na papasanin nila habambuhay.

Gabi-gabing isinusugal ni Diding ang sarili nya. Tiyak na kamatayan ang naghihintay sa kanya kung may makakamalas sa kanya.

Hinuhugot nya mula sa tinig ng mga kuliglig ang lakas na umuukit sa bawat bato. Lumilikha sya ng malulungkot na himig upang dahan-dahang isalansan ng hangin ang mga bato. Sa bawat paglalapat, daluyhoy ang ibinubulong na wari ba’y pinagtatalik ang himig at hininga.

Bawat himig kapantay ng isang alaala. Bawat alaala katumbas ng isang bato. Kaya nga ba masalimuot ang pader na ito.

Tanging malalim na kalungkutan lamang ang sangkap sa pagtatayo ng pader. Walang ligaya, walang galit, ang maaring dumampi sa isip ni Diding habang itinatayo ang pader kundi’y guguho ito. Kaya nga ba sa kalaliman ng gabi kung gawin ito ni Diding.

Hindi ito ang una. Pero ito ang una nyang sinadya. Buo ang loob nya. Walang papatak na luha. Walang mapapatid na hinga habang dumadaluyhoy. Ito ang pinakamatibay na pader na gagawin nya – ang pader sa ilalim ng burol kung saan gumugulong pababa ang hangin at gumagapang sa hardin na tanaw sa bintana ng silid-tulugan ni Diding.

Babarahan ng pader ang matamis na hangin na ito. Tama na ang mga panaginip. Tama na.

Hindi mabibilang ang mga gabing pinagsumikapan ni Diding na matapos ang pader.

Sa ika-apatnapung gabi, nailapag na ang huling bato. Pumiglas sa buntong-hininga ang animo’y sinok na pala’y isang hikbi. Mala-gulaman ang tuhod ni Diding nang upan ang bangkong isinandal sa pader. Nahimlay sya hanggang mapaidlip.

Humahalik na ang araw nang idilat ang mata, may pagkalito sya nang madama… may matamis na hanging kaulayaw ang sinag ng araw. Ilang sandali pa, napangiti si Diding. Bumangon sya at lumakad pauwi.

May siwang sa pader.

Alon

May oras pa. Pupunta ako sa buhanginan at hahanap ako ng mapupwestuhan. Kahit isa lang, makapagsulat lang ako ng something sa lugar na ito. ‘Yan. Okey na ‘ko dito. Sarap ng may BB talaga. Who needs a laptop?

Hm... La di dai di dai... Mmm... Syet. Ano ba yan wala naman akong maisip. Nakakaantok ang alon. Tingala. Lentek, anong isusulat ko – ‘tong korteng isdang ulap? Hmmm.... ang saya ng tugtog. Sarap sayawan talaga ng Latin music- ang landi, napaka-dynamic ng indak. Baka naman nami-miss ko lang kasing sumayaw talaga. Haay, I really need to find myself a dance partner. Mukhang retired na sa pagsayaw ang fave partner ko.

Ano ba naman ‘tong mga ‘to. Hanggang dito trabaho pa rin ang iniisip. O well, kundi ako nagresign malamang mas malalala ako sa kanila ngayon.

Teka, hindi ako nagresign. Hindi na ‘ko nagrenew ng kontrata, ‘yun ‘yon. Tinapos ko naman ang kasunduan- isang taon. Mantakin mo, naka-isang taon din ako. I should congratulate myself, tap myself on the shoulder- ang galing ko, ang tyaga ko, at higit sa lahat sabi ko nung December hindi ko na kaya pero kinaya ko pa with almoranas, ulcers, dandruff and all 13 lbs. of pure fat. Ganda.

Masaya ako. Nung una, I was thinking baka madugo ang pag-alis ko. It’s a good thing I took the time to really think hard kung bakit ba ako aalis, kelan, at paano. Pero ngayon, I think it’s perfect. Nothing can be more perfect than knowing that the moment has arrived.

Ang gulo gulo naman talaga nung una. At habang tumatagal humihirap, hanggang pakiramdam ko nakalibing na ako. OA naman. Siguro nalulunod lang. Five months ago parang ayoko ring umayaw; gusto kong tapusin hanggang project end, gusto kong subukan kung in the end I will belong, ayokong mang-iwan. In fact, inisip ko pang mag-nego ng mataas na rate. As if it can compensate sa pagod, inis at pent up stress na nararamdaman ko. Obviously sa umpisa pa lang mali ang tantya kong workload, masyadong mura ang pagbenta ko ng serbisyo ko, at hindi ko nai-account ang possibility that I have to work in an environment na zero systems. Baka rin akala ko talaga nung una papalpak ako ng bonggang bongga so safe na mas mababa ang presyo ko para at least walang sumbatan. E pero kinaya ko naman. Ang chaka naman kasi ng choices- walang ibang gagawa, hindi ko kayang amining hindi ko kaya, at ayokong mapahiya si friend. Magaling ako. Period. (At higit sa lahat sobrang yabang, I simply have to deliver at all costs. Ayan tuloy.)

Kung may malungkot (oo nga may malungkot) eto na ‘yun- na posibleng may mga friendship na nagbago ang hugis. Sana hindi. Pero baka naman hindi yung friendship, yung pagkakakilala lang namin sa isa’t isa, yung pagkakakilala ko sa sarili ko, yung value na binibigay ko sa kanila and vice versa, whatever and whichever.

Well, give or take and given the facts, in a few months time the friendships will change. We have all evolved, or we have seen each other in a different light. Ang sad. Mixed feelings ako. Ang difficult to see it as natural or nothing more than human.

It’s too messy. Working with friends is just too messy. Minsan parang gusto kong sabihin sa sarili ko: What was I thinking? Why did I take these risks? I knew that things don’t happen the same way twice. I knew I can only help to a certain limit. I knew I can be too affected by my friends’ emo states. I knew that it seldom shows when I’m overburdened and I have a hard time asking for help. Haay...

What’s done is done. They will move on or move forward. As for me, iniisip ko pa anong susunod na extra challenge ko. Mag-rowing kaya ako? Mag pole dancing kaya? Mag-aral kaya ako ng byolin? I can spend time rediscovering myself anew. Try ko na lang ‘wag malungkot. Kung mag-isa ako e di ganun.

I took these risks because I wanted to believe the relationships I built over the years are strong enough. And I believe it to be so. If they are not, then I have to be strong enough to try building new ones... again.

Un Certain Sourire

A certain smile,
a certain face
Can lead an unsuspecting heart on a merry chase
A fleeting glance can say so many lovely things
Suddenly you know why my heart sings…

Like many old love songs, I like this one. It speaks of the wonder of love at first sight.

Love at first sight. I don't subscribe to the idea that "love" can be felt instantly. Studies show that the mind can fool us into thinking that we feel "love".

What is love anyway? How do we recognize that it is "love" that we feel? Our hearts beat fast, breath shorter, we feel warm inside from the pit of our stomach to our cheeks, our eyes soften involuntarily, and we run out of words everytime we encounter the object of our affection, whether physically or by mental activity. Our minds record this surge of biochemical reaction and search for existing definitions in our memory bank. When our socially learned semantics surface, our mind associates these physical activities with that definition. And then we call it "love".

Unfortunately, our minds are often in a hurry to organize our thoughts. It cannot bear mysteries for long periods or accommodate dissonance with existing beliefs and values. Hence, it closes in on the nearest available definition it can recognize; one that seems consistent with our previous experiences. So at the first onset of fast heartbeat, it chooses from: hate, anger, fear, and other excitable feelings previously defined in its bank. Our instinct is to survive, to protect ourselves. Therefore, our minds immediately eliminate threats or come up with a quick practical response to shield ourselves.

If it's none of the negative emotions, it chooses the positive categories: liking, love, fondness. And oh, what can be a better choice than love! Imagine the hope it brings you- that you can keep this feeling for a prolonged period and that you are able to make the object feel the same.

The confusing part is this: don't our bodies also react similarly when we recognize a familiar element in this object? Or even when we are faced with an unfamiliar stimulus? When the object reminds us of a similar object, when the situation resembles a familiar scene, whether pleasurable or not, our bodies quickly manifest responses beyond our conscious control.

Our minds do not rest until it comes up with the nearest possible definition. Yes, it is not always the mind that knows firsthand. We are animals, and under normal dispositions we are perfectly equipped with all the physical detectors we need to survive in our environment. And this includes an efficient facility to process and organize our thoughts; efficient, but not necessarily effective in all cases. Our individual cognitive capacities differentiate our running logic, but there exists still logic for each.

But of course this is just an objective evaluation of love. Who cares about how our feelings are processed? Or how our feelings are fooled by our very own minds? We want to feel. We strive to feel. To love, be loved, fall in love, with just a certain smile...

Facebook

Sumawsaw ako sa napakaraming socializing tools ng web- Friendster, Hi5, Multiply, LinkedIn. Lahat gawa ng kabubuyo ng aking so-called friends.

Si Charing pwersahan akong pina-join sa Friendster. Magchi-chingching daw sya kapag hindi ako nagregister. Ayun, to this day pangalan ko pa lang ang nilagay ko dun at sya lang ang kaisa-isang friend ko. Hindi ko na maalala ang password ko.

Si Kiel chumika ng Hi5 when he was still in the far away land of SA. We had a few exchanges. Yun lang ang naaalala ko at ang picture nya.

Dahil kay Manong R, napapasok ako sa Multiply. May blogs daw kasi sya doon. At nun ko na-discover na may account daw ako sa Multiply. Kung kelan ko napasok yun ma, at lalong ma kung anong password ko. Baka napaindot ko lang yun sometime ago habang nag-sleepwalk ako.

Gawa naman ni Wendy, naligaw ako sa Linkedin. Quite frankly, nabighani ako sa ideya. Sa isip ko, for once naman medyo seryoso- professional ang dating so may I write naman ako ng aking track record. May kumontak na ba sa akin? Wa. Kung meron man baka nabura ko sa pag-aakalang spam sya.

Opkors marami din akong egroups, na eventually ay dini-delete ko lang dahil puro forwarded messages na supposedly nakakaiyak, nakakatawa, nakakatakot, o nakakadasal ang laman. Kung meron mang naging useful sa kanila, yun e yung mga egroups sa mga academic courses. Pagkatapos ng isang sem, keber ko na.

Itong blog na ito, bunga rin ng pambubuyo ni Kiel na binuyo din ni G [o nasan na kaya sya ngayon?]. Well, very timely naman ang pausong ito. Kahit naghihingalo na ang pagsusulat ko, truly lagi kong iniisip na kelangan ko ng entry kasi para sa akin ito. At one point na-addict pa nga ako at nanganak pa ito ng dalawa pang sites… na ngayon e parehong umaalog din. Pero keber, uusad din yan, hindi naman ako nakikipagpaligsahan sa ratings.

And then the Facebook came about, or let’s just say I finally heard about the Facebook from who else but Kiel and G.

Fascinating ang tool na ito: kusang nagkakalaman! At akalain mong ang mga taong hindi ko na maalala e biglang sumusulpot? Dahil “evil” ako gaya nang paulit-ulit na sinasabi ni Kiel, umpisahan ko sa mga major irita:

1. Mga “kaibigan” na nagbabago ng apelyido – Ba’t ba tong mga girlash na ‘to e parang na-aamnesia at biglang nakakalimutan ang apelyido ng tatay nila?! Sa dami ba naman ng Eileen, Maryanne, at Annie, e kakabitan pa nila ng mga apelyidong sa movie credits ko lang nakikita!

2. “kaibigan” na nagpalit na ng apelyido e naglalagay pa ng picture ng anak o ng artista – Aber, sino kaya itong baby na nasa ID photo? O itong si Josh Harnet at Aga Muhlach na hindi ko matandaan kung naka-date ko ba once upon a time? May kakambal tong mga ganito e- yung mga naglalagay ng picture na ga-langgam sila sa isang panoramic picture, akala ata e may magnifying lens akong katabi.

3. Mga friends na walang magawa at tuwing mag-oonline ako e nagyayayang maglaro ng poker o kung anong games – Lord, Solitaire lang ang nilalaro ko sa computer! At sa tagal ba namang di kami chumika e gugustuhin ko pang makipaglaro ng Travian?

4. Mga alien na humihirit ng “remember me” – Ok sana kung may laman ang profile para ma-remember ko nga. Mas ok kung ang hitsura nila e hindi nagbago from 20 years ago.

Gusto ko sana mas marami pa akong malalait sa Facebook, kasi nga evil ako. Pero heto naman ang mga labs ko:

1. Mga surprise friends – mga taong feeling ko e hindi ko naman close dati o hindi naman ako pinapansin dati pero biglang feeling BFF na.

2. Mga lumang litrato – ang mga mukhang gago pero nakalimutan nang larawan from a long long time ago. Tuwing may ganito, parang bumabalik ako sa moment nung nagbibilang ang photographer ng “1, 2, 3, cheese!”

3. Mga taong binansagan ko – ang mga true name nila o bago alyas ay nakapaskil pero pag nag-iwan ng note sa akin sasabihin nilang “uy, si Jopis ito”. Di ba heart-warming?

4. Mga bukingan – yun bang mafi-feel mong kahit mukha kang ngokngok dati e like ka pala nila, o kaya inaantabayanan pala ang blog mo.

[Para fair, apat-apat na lang]

Nitong kelan lang may pumasok sa listahan ko, isang kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ko. In short, hindi ko ka-close (pero nasa photo album ko nung hayskul ang solo picture nya). Uy, hindi ko sya crush- pramis. Pero darling sya ng bayan; makapal kasi ang mukha nya. Pero ok lang kasi gwapo naman sya, at disimulado. Itinuro nya sa akin ang egroups kung nasan daw ang ‘dabarkads’. Ngek, hindi ko naman sila dabarkads hello. Pero syempre join naman ako, at aliw-iw ang lola nyo dahil andun nga “sila”.

Dissecting Time

I was inspired by Kiel, attempting to claim that happiness resides in simple things.

I posit that happiness is a variable dependent on time- time to be happy, time to do the things that make you happy, time to acquire things that make you happy. This makes time an important element in being happy. And therefore, control over time is a key to happiness.

What is time? Let me simplify that by dissecting simpler units of time- a day, a week, a month, a year.

A day, my day, starts with toilet chores at mostly 7:00. Five minutes to pee, wash my face, and gargle. Five minutes to wash my hair. Thirty minutes for a full breakfast with CNN and chat with the partner. Fifteen minutes to smoke and figure out the day that lies ahead. Five minutes to wash my body, ten to dry my hair, five to dress up, and another five to setup my bag. If I’m lucky, and that means no unexpected phone calls or unplanned domestic duties I’ll have to deal with, I’m on a cab by 8:30 and in the office by 9:00 (mostly).

In the office, I would generally spend 30 minutes smoking with friends, 15 minutes browsing the web for personal gains, 15 minutes texting and chatting, one and a half hours having lunch and snack breaks, 4 hour doing serious writing, an hour attending meetings with a good laugh (or not), 2 hours going around talking to people and settling some admin matters, and another hour “performing other duties as may be assigned by the super”. Generally, the day’s work may not be finished but I will call it a day.

Recently, I’d be home by 8:00. Dinner at 9:00, TV until 11:30, and some crazy stuff until 1:00. Or not.

I’d be at a mall or some resto bar until 11:00 or 12:00 and home by maybe 1:00. Or not.

I’d be in a spa from 7:00 until 12:00. Or not.

I’d be writing again ‘til 12:00 or 1:00. Or not.

I’d be home by 10:00 from somewhere, silence until 1:30, and at war until 3:30.

On a weekend, I can be doing chores all Saturday morning and writing while watching Foxcrime or AXN all afternoon or spending time with a friend in some fun activity. And, reading or writing again (or watching HBO or Star Movies) until midnight. And stuff, until around 2:00. Or I’d spend an entire afternoon entertaining some guests. If I’m lucky, there won’t be another set of guests for the evening, which could also run until around 2:00. On a Sunday, I’d spend an hour conditioning my hair and scrubbing my feet, two hours having my nails done and watching CSIs, maybe 3 hours at the mall or prepping for the week ahead, and possibly 3 hours chatting with the partner or someone at the phone.

In a month, I’d have done some serious work, some socializing (online and face-to-face), shopped, beautified myself, and ran into some serious life-changing conflict. The proportions, of course, vary. In a year, with all holidays (and not so holy days), I’d have spent roughly 20% of my time for social life, 10% for myself, and 70% on work.

Happiness gauge:

85% happy with my social life = This would include, in order of significance, maintaining family and old friends, making new ones, throwing away bad ones, and having good and bad fights.

70% happy with my personal time = This would account for physical maintenance (attempts to be beautiful and getting to eat all that I crave for, watching for pleasure or for education, as well as deprived sleep and some stuff), mental disorientation, emotional roller coasters, and simply wanting for more.

90% happy with my work = This consists mostly of my satisfaction with what I’ve delivered, my confidence (or wishful thinking) that my clients are contented (and they will call me again) against actual result that they do call me again, and the negative events in the process (and sometimes even after) that I had to deal with.

And this evaluation, naturally, is based on memory of most recent experiences. It may have been different in 1997 or ten years from now.

On estimate, I was generally a happy child (trauma-free, carefree) and a happy adult (no major disasters, and I cope with the rest). Why? I get to do this and that, here and there, when possible. A few laughs, some tears, a little fear, a good amount of fury.

We shape our own perception of happiness. We remember our sense of happiness based on moments that stand out amidst the chaos in our everyday life. Whether it’s in the shoes we wear or the earth we walk on (or the shoes we wear vs. what shoes other people wear), we can always say “I’m happy, just because”.

Hopefully, we become a self-fulfilling prophecy.

Or not.

Ester

Would you rather be the head of a mouse than the tail of a lion? Isang tanong na hindi ko malilimutan.

Grade 6 ako nun. Unang araw ng klase. Sa unang pagkakataon, pinagsama-sama na ang lahat ng mahuhusay sa lahat ng section sa loob ng limang taon sa elementarya. Tagisan na ng galing. Lahat ng running for honors, kabado. Lahat naman ng first timer sa kumpetisyon, litong-lito. Ang tanong nila: Baket? Ayoko dito; hindi masaya, masyadong tahimik, at masusungit ang guro.

Hindi si Mrs. Brillantes ang adviser namin, sya ang guro namin sa Reading and Phoenics. Tanyag sya sa kasungitan, dala na rin marahil ng makapal nyang make-up at mapusyaw na tina sa buhok na litaw-litaw sa kanyang mestisahing kutis. Liban pa sa kanyang pagiging maselan sa kalinisan ng notebook at mga aklat, nagpapatayo sya ng noisy pupils sa sulok ng silid.

Kada Byernes, bitbit nya ang isang kartong puno ng maiikling babasahin na sa dulo ng pagbabasa ay may scoring at categorization kung ikaw ba ay green o gold reader na. Pabilisan sa pagbabasa, paramihan ng tama, at karera sa pag-akyat sa lebel ng samu't saring kulay. Para sa kanya, hindi tutuong mga Mathematician ang hari ng mundo. Walang kwenta ang kagalingan sa pagbibilang (kaya na daw ng calculator yun). Ang tao ay nasusukat sa husay nyang umunawa, magbasa, magsulat, at magsalita ng wikang dayuhan.

Sa kanya ko unang naranasan magre-write ng hindi mabilang na beses. Anya, tumatalim ang mga ideya tuwing uulitin mo itong basahin at isulat. At walang dapat ikahiya doon. Ang pagsusulat ay walang katapusan.

Nang makapasa ako sa hayskul na humahasa sa agham at matematika, binulungan nya ako: "Huwag kang matakot na lumihis ng daan. Hindi lahat ng matalino ay mahusay magsulat. Kung san sila mahina, doon mo sikaping maging magaling. Sa huli, uuwi sa wala ang lahat ng ideya nila kung walang magsusulat." Hindi nya dapat sabihin yun, kaya matapos nya akong yapusin ay kinindatan nya ako.

Mas mainam sana kung sa paaralang iyon din ako nag-hayskul. Nakaganti sana ako sa sama ng loob ko sa mga kaklase kong nilagpasan ako sa linya ng mga honor students. Pero may anak bang tinatanong ng magulang kung san nya gustong mag-aral? Sa mga panahong yun, wala.

Kaya oo, lumipat ako ng eskwelahan nung hayskul. Doon, nagpabandying-bandying ako. Hanggang nagtapos akong kalagitnaan sa pangkalahatang ranggo ng mga estudyante. Buti na lang at sumabit pa ako sa UP, kung saan nagtapos din akong pasabit-sabit.

Kung minsan naiisip ko: napakaraming pagkakataon na sana ako na ang pinakamahusay, kung pinili ko lang maging pinakamahusay sa mga mas simpleng paaralan, kurso, samahan at opisina. Kung bakit mas gusto ko sa mas mahirap, na kung saan halos kulelat ako at laging nagmumukhang tanga. Pero, gusto ko nga ba yun?

Sa edad ko, alam ko na. Kailangan ko ng sapat na hamon, para maramdaman kong kailangan kong magsumikap. Its the struggle that makes me feel alive. Kung kay Miley Cyrus pa - it's the climb.

At sa katapus-tapusan na hindi ko maabot ang tuktok, masaya pa rin ako. Sabi nga ng patalastas ng Dunkin Donuts: "It's worth the trip".

Ceteris Paribus

Outrageous. Yan ang terminong ginamit ni Salbutri nang tukuyin nya ang matataas na sweldong tinatamasa ng mga propesor pamantasang pinagtatrabuahuan nya. Specifically, he was referring to salaries that are Php80 – 150,000. Pinatulan ko naman ang argumentong ito pero dalawang araw na ang lumipas, binabate ko pa rin sa isip ko kung anong ibig sabihin ng “outrageous” sa kontekstong ito. Tatlong tao na ang pinasawsaw ko sa usaping ito. Outrageous nga ba ang ganitong sweldo?

Ano ba ang sweldo ng mga utaw nowadays? Call center agent (entry level): 8k pag sa Baguio, 12-15k pag sa Maynila (more or less). Teacher sa isang pamantasan: 11-14k (entry level, depende kung may honor ka nung gumradweyt ng kolehiyo), 14-25k (on the average, kapag may masters ka at sa sa state university nagtuturo), 26-80k (on the average para sa part-time at full-time sa private na university), 30-150k (para sa mga duktoradong propesor na nagtuturo sa mga sosyal na pamantasan). NGO worker: 10-25k (para sa isang karaniwang staff sa Pinas), 26-35k (kapag managerial position sa Pinas), 40-60k (kapag regional NGO). Foreign-assisted development projects staff: 20-35k, 35-80k kapag consultant level (on the average), hanggang 150-500k kapag superpower ka na sa isang ahensya o consulting agency. Technical at managerial position sa isang pribadong kompanya: 25-50k (more or less, kapag may pangalan ang kompanya mo), at 35-90k (more or less, kapag mataas-taas na at may kalakihan na ang departamentong hawak mo).

Kapag raketera ka naman at arawan ang hataw mo, on the average: mula 500h para mga transcription at survey enumeration, 1.5-3k kapag team lead sa isang bugahang team lead ng documentation, mga simpleng layouting at production ng sandamakmak na CD copies ng whatever, at event organizing ng mga trainings, workshops at anik-anik na conferences, 2-5k para sa copyediting ng reports at libro, applied research ng samu’t-saring studies ng whoever senior experts, 5-8k sa mid-level facilitation ng workshops at kung high-level ka e nasa 10-30k naman.

In a way, naratsada ko na ang ganitong mga karanasan. Happy ang iba, tried to be happy sa iba, at smile na lang sa ilan. Ganito ang kinalabasan ng aking computation over years of my professional struggle:

Kapag NGO worker ka (kesehodang staff ka o manager), sa isang bwan- hapi na kung makabili ka ng bagong damit, and only when there’s a bonggatious event na gusto mong magpaganda. Tsinelas lang pangaraw-araw na pamasok sa opisina, laban na. Bag? Kelangan ba yun kung feeling mo baon mo na sa diwa mo ang isyung gusto mong ipakipagpatayan sa miting? Tricycle, jeep, bus, lakad, eroplano- just get there, on time or late, with or without eye bugs and jetlag, basta brilliant ka (or keri mong mag-pretend na may naiitindihan ka pa).

Surprise, surprise: ang pagkaliit-liit mong sweldo ay nagpapaaral pa rin ng kapatid, anak, at pamangkin (salamat sa mga loans ng coop, SSS, at PAG-IBIG), nakakalasing pa rin (salamat sa kwatro kantos at paminsan-minsang painom ng mga kasamahang may maganda at masamang balita sa buhay nila), at nakakaabot pa rin sa susunod na a-kinse, a-trentang sweldo, at 13th month pay. Sa karaniwan man o especially toxic days, basta kailangan mo ng datung, raket na kaliwa’t kanan (hopefully, mabait ang boss mo at hindi mo kailangang itago; i-justify mo na lang na may kinalaman naman sa development agenda ninyo ang niraraket mo at super i-deny mo na may conflict of interest).

Dagdagan mo pa ang pananampalataya mo: malay mo in fifteen years, baka may authorship ka na rin sa mga ideyang inimbento mo (o ninyo, as is usually the case dahil eternally participatory at consensus building naman ang mga brainstorming at FGDs ninyo).

Kapag dakilang government worker ka, sa isang buwan- sipagin mo ang paglalaba at pamamalantsa dahil at least hindi mo kailangang mabaliw tuwing umaga kung anong isusuot mo (bag lang ang talagang may freedom kang piliin, remember ang sapatos mo dapat alinsunod sa pulisiya), maraming allowance at mairaraos mo naman ang isang moderate lifestyle (lalo na kung mahina ang sikmura mong tumanggap ng lagay), at pwedeng magbaon ng tuyo at alamang basta siguraduhin mo lang na di mangangamoy. Higit sa lahat kung babae ka, matipid ka sa sapatos dahil pwede naming magsuot ng mga abakang tsinelas sa opisina.

Alas singko na. Everyday, may moment ang buhay mo. Kahit mahirap umabot sa 8:00, 12:00, at 1:00 na bandi-clock, siguradong fight to death ka sa pila kapag alas-singko na. Kapag pumalya ka, either bawas ang sweldo mo o mame-memohan ka ng HR. Kaya naman, lahat ng kailangan mong i-print na personal files at office supplies na pwede mong ipuslit, dapat nai-bag mo na bago magalas-singko.

Dagdagan mo pa ang pananampalataya mo: ang buhay ay puno ng pag-asa- malay mo mamatay ang boss mo at ikaw na ang kapalit nya, wag sanang matsugi ang kapit mo sa itaas para hindi ka rin matsugi dahil iba ang framework mo sa framework ng ipapalit sa kanya, at isipin mong maraming outlet ang lahat ng ini-imagine mong kabutihan (magpuslit ka ng impormasyon sa mga organisasyon na legitimately e pwedeng kumontra sa mga kawalanghiyaang nalalaman mo).

Kapag pribado ang opis mo at karaniwang staff ka, sa isang buwan- kailangan mong bumili ng respetadong damit (kung hindi unipormado ang kasutoan ninyo tulad ng mga outsourced na support services ng opisina mo) pero bahala ka kung sa SM ka bibili o sa tiangge dahil acceptable naman yan kapag staff ka lang, kailangan mo ng sapatos na sarado at hindi naglilitawan ang mga kuko mo sa paa na depende kung can afford kang ipa-pedicure sa halagang 30-60 pesoses lingo-linggo (although what’s the use kung wala namang makakakita), kailangan mo ng bag na pwedeng lalagyan ng pang-powder ng nose, cellphone na middle-priced, payong para sa mauulang araw na kailangan mong makipag-balyahan sa tren o bus, at malamang sa baon mong tanghalian dahil mahal at hindi masarap ang pagkain sa cafeteria.

Maligayang Pasko: kapag maganda ang kita ng kumpanya mo baka-sakaling may 14th month pay ka pa maliban sa etc. pays designed to motivate you as a “business partner” ng iyong kumpanya, kapag galante ang boss mo at maraming sponsors ang kumpanya nyo aba’y baka-sakaling makabunot ka ng something sa Christmas party raffle nyo o kaya e ma-award ang departamento nyo for being the most productive unit, best performer, best costume or whatever, AT… with enough prayers e maganda ang announcement ng president nyo for next year (otherwise, baby, you might as well consider looking for a new job next year). Sa mga karaniwang araw at tantya mo keri mong magkasakit o ma-late, tumanggap ka ng raket (yung keri lang itago at baka mabuking ka).

Dagdagan mo pa ang pananampalataya mo: at least may trabaho ka kahit ma-realize mo pang hindi mo naman pala kailangang gumradweyt ng college para mag-opis, marami kang panahon para makipagligawan (sana sa office mo may papable para hindi na kailangang lumayo, effort din), at kung medyo fighter ang spirit mo aba’y may panahon pa para mag-aral o mag-shopping ng iba pang kumpanya na mas mataas ang offer (in short, isipin mo na lang meron pa).

Kapag pribado ang opis mo at manager ka na, sa isang buwan- magdalawang isip ka kung mamimili ka pa sa tiangge at kung kelan mo pwedeng isuot ang “casual” wear na ito, tumingin-tingin ka na ng sapatos na hindi Parisian ang tatak at tipo bang magtatagal enough para masabi naman nilang “yan ba yung shoes na binili mo sa ______ two years ago?”, dapat ang bag mo may karakter naman na tipong sumisigaw ng “pansinin mo naman ako dahil en sync ako sa okasyon”, at mga miting na ipapatawag mo e lagyan ng variety hindi yung puro kay Aling Maring lang binibili sa kabilang kanto.

Pyesta galore: at tuwing may okasyon isa ka na sa mga hermana mayor- regalo para sa lahat kahit hindi mo sila kilala o di mo sila like (with enough creativity, mairaraos mo rin yan), pigilan mo na ang sama ng loob mo kung dahil sa pulitika man lang e kailangan mo nang tanggapin na hindi ka na sasali sa mga raffle dahil nakakahiya naman. Sa mga karaniwang araw… kalimutan mo nang kailangan sumisikat pa ang araw para magtrabaho ka. Ang buhay mo ay hindi sa ‘yo ‘no; kung kanino, hindi mo na rin alam pero ang mahalaga maganda na ang posisyon mo at eternally grateful ka dahil maraming magpapakamatay para makipagpalit sa kalagayan mo.

Dagdagan mo pa ang pananampalataya mo: kahit hitik na hitik na sa cellulite ang mga hita at tyan mo at pinagpepyestahan na ng mga blackheads ang ilong mo, at least may pera ka para mag-gym, mag-spa (paa, kamay, mukha, buhok, buong katawan!), at kung gipitan na e bumili ng lalake. Tumatanda ka mang kunsumido at pinag-aalipunpunan ng katakot-takot na sipsip sa paligid mo, may pera ka. Kailangan mo na lang i-redefine ang happiness.

What’s the point? Everything has a price. Lahat may kapalit. Pera. Kalayaan. Oras. Mamimili ka na lang kung anong gusto mo. Walang outrageous sa kung anong nakukuha mo- araw-araw, buwan-buwan, at taon-taon. Kasdiay met laeng. Ceteris paribus.

Alanganin

Mamahaling bestida
Alanganing maiksi
Alangang mahaba
Parang tayong dalawa
Alanganing magkasama
Alangang kanya-kanya

I
Isang umaga, isinuot ko
Isang bestidang bigay ng friend ko
Isang umaga, humarap ako
Sa salamin at sinabing kaya ko

II
Isang umaga, isang pag-asa
Lilimutin ko lahat ng dusa
Isang umaga, isang pagnasa
Paghihilom sa kawalan ng chorva

III
Isang tanghali, ako’y rumampa
Suot bestidang nililingon ng mga papa
Isang tanghali, ito ang sumpa
Hinding-hindi na malulungkot pa

IV
Isang gabi, tinanong ko ang bata
Maganda ba ko, bagay ba
Isang gabi, hilaw ang salita
Alanganing maiksi, alangang mahaba

V
Isang sandali, ito ang tanong
Sagot sana, wag patong-patong
Isang sandali, wag nang gumatong
Mas okey ba kung suot ko ay thongs….

16June2008; one of two songs, almost half a bottle of vodka... or so. kanta yan, pero wala pang tono. sa isip ko meron. kung may tono ka, parinig naman.

Force and Distance

It takes me hours to pack my bag. First, I have to choose my clothes – deciding on which colors to carry, which textures and how thick they will have to be. Then, I have to fit each to be sure (who knows how much weight I’ve put on or if instead of looking like a classic I look outdated). Lastly, I have to figure out how everything fits into my luggage to a total of 20 kilos max. More recently, I have reduced this successfully to 15 kilos to reduce my sacrifice and to convince myself that life is worth living.

The 15 kilos will have to include all other paraphernalia, both personal and official. This means giving up on most things I will normally live with and settle for multi-purpose items. This also means that I am courting conflict with my office, which as much as possible will make me carry as many books as they want to send out.

I arrive feeling haggard and empty-headed (not light-headed), but I’m always told I don’t look like it, so I’m immediately barraged with inquiries on logistics and files and whereabouts of whoever. This drags for the entire duration of my stay in whichever place.

I travelled twice with a friend who pulls me out to see some places and put the camera to use. When I travelled with some other people, I took the initiative to steal a couple of hours at least to take some pictures for people to see when I come home. But each ‘going out’ has a price, of course, lest I am perceived as a tourist instead of a worker. After all, I am just a work horse and it is not fair that the organization is losing money on me.

In the meantime, I am away from home – from my normal clock, food, and social support group. Looking back, it is difficult for me to be away from people that are important to me because I am always the one to reach out, initiating the emails and the chats, adjusting my time and schedule with theirs.

Because I went away, I am socially expected of further obligations – to hand out something from the place I’ve been that they have not been, to show photos of the sceneries, to tell stories. Now, the gifts don’t matter much, the photos will have to look like you really had a good time, and the stories will have to be either good and happy or dangerous and exciting.

No one wants to hear a sad travel story, like how you are discriminated for being Filipino (not even for being Asian, but for being Filipino), or like how you are treated as a servant by a supposedly rights-conscious group, or like how you miss being home. When a Filipino travels, it is perceived as a privilege and only a complainer will not see it as one. Who cares about home and your normal life, anyway?

Indeed, force multiplied by distance equals work.

Venus

I love you, you know although sometimes it just doesn’t show.

Linya ‘yan sa kanta ng Apo Hiking Society. ‘Yan din ang nakasulat sa unang pahina ng diary na regalo nya sa ‘kin sa isang napakahalagang bertdey ng buhay ko. ‘Yan na lang ang naaalala kong nakasulat dun. At ‘yan din ang pinaka-naaalala ko sa kanya. Siguro dahil ‘yan na ang buod ng relasyon namin.

Mahirap maintindihan ang damdamin nya. Kadalasan di ko alam kung galit ba sya, masaya, nagtatapang-tapangan o talagang maingay lang sya. Halos lahat ng kaibigan ko ayaw nya, at lahat ng inibig ko ayaw din nya. Maliban na lang pag may sakit ako, di ko naaalang nilambing nya ‘ko at lalong hindi ko natatandaang ever sinabihan nya ‘ko ng I love you.

Matapos nyang palihim na basahin ang diary ko, nabasag ang kaliwang eardrum nya sa kasisinga. Hindi nya matanggap na puro puot sa kanya at kalandian ang laman nun. Kung bakit naman kasi pinakailaman nya yun e diary yun ng isang teenager. Baka ‘pag nabasa nya rin ang laman ng blog ko ngayon, yun namang kanang eardrum nya ang mabasag.

Di ako maantig sa pagda-drama nya nung hapong iyon. Ang nasa isip ko, sinira nya ang tiwala ko sa kanya. At lalo akong nagalit sa kanya dahil sinabi nyang hindi na sya ulit maniniwala sa kahit na anong isusulat ko dahil isa daw akong manloloko, dahil hindi ako marunong kumilala ng pagmamahal.

Lumipas ang maraming taon. Minsan ko na lang syang sinulatan pagkatapos ng eksenang yun. Isang mala-diary din ang pinadadala ko sa kanya nung mga panahong nalayo ako sa Kyusi. Pero tinigilan ko din yun dahil hindi naman sya sumasagot. Hanggang ngayon, tuwing susubukan ko syang sulatan para sabihin ang magagandang damdamin ko, tumitigil ang ballpen. Tuwing bertdey namin, ganito ang eksena ko.

Kahit sa text hindi ako makapaghayag ng damdamin ko. Tuwing babatiin ko sya sa kahit anong okasyon, deretsahan na lang ang pagbati ko. Kapag may problema, sinasabi ko na lang sa kanya, "God is good".

Pero nung naoperahan ako sa apendicitis, hindi ko natandaang maraming tao sa paligid ko. Ang naalala ko lang andun sya at tinatawag ko ang pangalan nya habang umiiyak ako sa sakit. Andun sya, kahit sya mismo ay dinudugo at pasyente din ng ospital na yun.

Tuwing malaki ang problema ko, takot ako, at magulong-magulo ang isip ko, sya ang una kong naaalala. Tinetetxt ko sya- "Pray for me". Pakiramdam ko, sya na ang pinakamalapit na koneksyon ko sa itaas. Tuwing gusto ko nang mawalan ng pag-asa, naiisip ko ang mga taông pinagpaguran nya at lahat ng lakas na ipinakita nya sa 'kin sa lahat ng panahon. Bumabangon ako at napapailing, dahil kumakapit naman ang paa ko sa sahig.

Hindi ako pwedeng magpatalo sa kahit ano o kahit sino, dahil sya rin ang nagsabi sa akin na malakas ako. Titig ko pa lang daw pader na. Ang lagi nyang sinasabi, matuto akong umunawa na malakas ako at ang iba ay mahina. Nun ko nalaman na tangan ko ang sumpang pinulot ko sa kanya- ang maging malakas.

Maaga nyang ipinamukha sa 'kin ang kahinaan ng kasarian ko at ng kalagayan namin sa buhay. Ganun nya ipinakilala sa 'kin ang pasasalamat sa mga simpleng biyaya.

Ang ganda ng araw. Masarap maglaba ngayon.

Sayang ang mantekilya baka matunaw. Tawagin mo ang mga kapitbahay.

Tingnan mo o, ang liit ng palad mo. Hindi ka yayaman pero marami kang magagawa dahil kumpleto ang mga daliri mo.

Ang babaeng ito ang ang nagsabing bobo ako sa Math, ang pumigil sa 'kin na kumanta, ang nagturo sa akin na mas makapangyarihan sa akin ang isang ipis. Ang babaeng ito ang hindi makapaniwala nang halos ma-perfect ko ang entrance exam ng isang unibersidad, ang naglupasay sa iyak nang makakuha ako ng mataas na grade sa NCEE, ang nagsabi sa 'kin na ang pangarap nya lang para sa akin ay ang makapag-asawa ako ng matino. At ang babaeng ito din ang nagsabi sa ‘kin na wala akong hindi kakayanin kapag ginusto ko- dahil isa akong adelantada, maldita, at kung ano pang Espanyol na parang mura ang tunog.

Yan si Mudra, sobrang ganda nya pangalan pa lang Dyosa na- Venus.

Ang Libing ni Bathala

Hindi na maitanggi ang katotohanan. Kanser ang dahilan ng matagal na pagkawala ni Bathala. Para san pa ang lihim- patay na sya.

Nung kelan lang dinayo ko ang burol ni Bathala. Dinaanan ako ng nagbubunying si Gracia. Hindi sya nachugi, at sa halip pakiwari nya wagi sya ngayon sa lahat ng engkantong pumapaligid sa kanya sa Salapudin.

Syempre pa, nuknukan ng tsismis ang mga ganitong salu-salo. Nahahati sa apat ang mga dumayo sa burol.

Ang mga dugong bughaw. Kapag may namamatay, naglilitawan ang mga matalik na kaibigan. At sila ang pinakamadaling makilala. Sila ang sumasalubong at naghahatid ng mga bisita, walang kapagod-pagod nilang ikinukwento ang mga huling sandali. Pero ang highlight ng kwento nila ay kung pano silang napasok sa eksena; anong ka-award-award ang ginawa nila para i-deserve ang kanilang korona. For sure, mas sikat pa sila sa asawa ng yumao.

Ang mga alalay. Dalawa lang ang lumulutang sa mga burol; maliban sa mga dugong bughaw e eto na ngang mga alalay. Madali rin silang ma-ispatan dahil kung ang dugong bughaw ay nasa pinto, ang alalay ay nasa kusina. Dahil mas matagal magbabad sa burol ang mga alalay, sila ang susi sa buong kwento. Higit sa lahat, malalim ang pakiramay nila- isipin mo ngang hanggang sa kamatayan e mababang uri pa rin sila.

Ang mga usisera. Hindi lang naman tsismis ang pinupulot at ikinakalat ng mga usisera. Gifted sa walang hangganang kauhawan sa leksyon ang mga ito. Marami silang tanong, maraming ikinakabit na kwento galing pa sa kabilang karagatan o sa hindi kilalang kabundukan siguradong may kahawig ang istorya ng buhay mo. Ang malungkot, sa lahat ng dumadayo sa burol, ang mga usisera ang hinahabol ng kunsensya nila kahit bwan o taon na ang lumipas.

Ang mga tunay na nawalan. Samut-sari rin ang hitsura nila. Hindi lahat ng nawalan e humihikbi, humahagulhol at nagmumukmok sa isang sulok. Ang mga tunay na nawalan ang pinakamahirap makilala sa burol. Sila ang pinakaunang nagtatatwa na nawalan sila. Kaya naman iba’t-ibang anyo nila- may maingay na bumubunghalit o humahagikhik sa tawa, may inaantok pero gabi-gabing nariyan, at meron ding animo’y normal na nakikipag-kamustahan na kala mo e lingguhang misa lang ang dinaluhan nya. Makikilala mo lang sila dahil may moments sila; swerte mo kung hindi sa banyo mangyari ang moment nila at masasaksihan mo ang kakaibang indie film.

May dahilan ako para malungkot. Kahit hindi ako natulungan ng Bathala sa oras ng pangangailangan ko sa kanya, naturuan nya ako sa maraming paraan. At ang pinakamahusay na paraan sa lahat ay ang pagpapakita nya kung paanong gawin ng mahusay ang trabaho at maglaan pa rin ng takdang panahon para sa pamilya at sa sarili.

Sa Bathala ko natutunang ang trabaho ay trabaho lang. Marami pang ibang bahagi ang buhay...

Henry

Wala akong butler. Hindi nga kasi ako mayaman, at obviously hindi ako si Batman. Pwede sana akong maging si Superman pero maliban sa hindi ako lumaki sa farm, hindi naman ako galing sa planetang Krypton. Kung sana si Wonderwoman ako... kaso kulang naman sa boobs.

Pero meron akong bartender- si Henry.

Nakilala ko si Henry sa Heights, isang bar sa LB. Nasa third floor ng isang maliit na building ang Heights, malapit sa tinirhan kong pad nung estudyante pa 'ko. Para marating mo yung bar na yun, aakyat ka sa mala-fire escape na winding stairs. Isang lugar yun na tambayan ng mga estudyanteng may pambili ng beer at mga gurang na nagde-date ng mga kolehiyalang nagpapalibre ng beer.

Heights ang unang matinong bar na may videoke sa kalsadang yun. At noon, ang videoke ay hindi private rooms. Kung trip mong kumanta, sa isang maliit na entablado ka sasampa, uupo sa high chair at sasabayan mo ang TV sa harap mo. Dun ako unang sumideline bilang 'hostess'.

Raketera na ko kahit nun pa man, at mula alas-otso hanggang hatinggabi, tungkulin kong siguraduhin na nage-enjoy ang mga lasing. Hagya akong kakanta, magde-dedicate sa mga may bertdey, at kung kinakailangan e magpapatawa na rin. Syento-beynte ang bayad sa kin gabi-gabi, na di ko naman naipon dahil pambili ko lang din yun ng beer ko. Pero libre dinner ako sa club (club daw o).

Kursunada ng may-ari ng Heights si Henry. Ang kwento nya sa 'kin, nai-date nya si Henry ng ilang beses din. Kaakit-akit naman din itong si Henry. Matangkad sya, maitim, at mahiyain. Pormang promdi at mahinahon.

Namasukan sya bilang bartender dahil tulad ng lahat ng ka-dramahan sa buhay, may mga sinusuportahan sya sa pamilya. Eto kwento na lang ni Melchor. Hindi naman kasi pala-kwento si Henry, mas mahusay kasi syang makinig.

Dahil bar nga yun, at lagi akong lasing tuwing magkikita kami, hindi ko na tanda kung ano bang pinagkukwento ko sa kanya. Malamang mga heartache series ang pinagsasabi ko sa kanya, at wala naman syang naiimik o naipayo. Tatango-tango lang, ngingiti-ngiti, at magtatanong paminsan-minsan kung okey pa 'ko.

Nang mag-break kami ng jowa ko nun, nung araw ng Ms. Universe, na practically talagang araw pa ko nag-umpisang maglasing sa Heights habang naglilinis pa lang sila, si Henry ang naghatid sa 'kin pauwi- pababa ng nakakamatay na fire escape at patawid sa pad ko.

Mabait si Henry. Talaga namang isinaayos pa nya ko bago nya ko iniwan. At kinabukasan, walang kwentong kumalat sa kabalbalan ko. Parang alam nya na nakakahiya yun lalo na para sa tulad ko nun. Leader-leaderan kasi 'ko nun ng isang org.

Fast forward: five years after, bundat na bundat ako kay Jubilee. Nasa isang resort ako sa Calamba. May biglang humirit habang nakapila ako sa pagbabayad ng entrance, "Ay kumusta na po kayo?!". Si Henry.

Staff na sya ng resort. Medyo mataba ng konti, pero mas nagka-itsura lalo. Kumustahan, at gaya ng lahat ng kumustahang Pinoy, lahat ay okey. Nagpaalaman at di na kami ulit nagkita.

Bakit mahalaga si Henry sa 'kin? Simple lang. Sya pa lang ever ang taong nakausap ko na nakinig lang (usap nga ba ang tawag dun?), at enjoy din pala 'yun. Kung tutuusin para syang si Might Thor, yung pinakauna kong aso na pipi. At kung may taong aso sa buhay ko, sya na yun.

Charing

Kunsintidora akong kaibigan. Walang sasabihin ang kaibigan kong hindi ko maiintindihan at susugan. Para sa 'kin, kung san sya masaya susuportahan ko sya.

Nang gabing nagsabi si Charing ng tutuong nararamdaman nya tungkol kay Frank, hindi ako kumontra. Ang ganang akin lang, (1) kaibigan ako at sa lahat ng bagay kakampi ako dapat at (2) hindi naman sya nagpapaalam kung anong dapat nyang gawin, nagsasabi sya tungkol sa isang bagay na obviously pinagdesisyunan na nya.

O, di..... Tama sila. Kalamidad nga ang kinalabasan. Ilang buwan pa ending na. At eto na si Charing, tumatawag sa kalagitnaan ng ulan at baha. Literal ito ha. Naglalakad sya sa Elliptical Avenue habang umiiyak at hindi na nya alam san sya papunta. Sabi ko magkita kami sa McDo Citi Mall. Uminom sya ng hot chocolate para mainitan sya.Tamang-tama din kasi may tiangge dun kaya mamili sya ng bagong damit para palitan yung basa na nyang suot.

Eto pa ang isa kong rule sa pagkakaibigan. Ayokong-ayokong nakakakita ng kaibigang gumagapang sa desperasyon. Ang ibig kong sabihin yung biswal na miserable at walang ka-effort effort kahit TH na mag-feeling strong. Una, hindi natatanggal sa alaala yun- ang pangit, nakakabawas ng dignidad. Pangalawa, kapag nakakita ako ng isang taong mahina at lumalapit sa akin ang tendency ko patakbuhan ang buhay nya. Gusto nya ba yun? Syempre may basic assumption yan: lahat ng kaibigan ko malakas, walang lampa sa kanila.

Back to Charing.

Ilang taon pa, nag-law school, nakatapos, at abogada na. Ilang bwan lang at slightly ginagawa na nya ang gusto nyang gawin- maging "public servant". Paminsan-minsan kaming nagkikita, kwentuhan sa lahat ng pinagdaanan sa trabaho at pag-aaral at pagtaba-pagpayat-pagtanda sa mga sumunod pang mini lovelife. Parehong buwan ang bertdey namin kaya halos taon-taon nagse-celebrate kami kahit hindi sa saktong araw o saktong buwan.

Kakaiba si Charing sa lahat ng nakilala ko.

Sya ang perfect example ko ng "photogenic". Kung bakit sa mga pictures ay napakaganda ng babaeng ito. Walang kasintamis kasi kung ngumiti. Yun lang ulam na, ika nga. Kikinang ang ngipin nya, kasabay ng mga mata, at parang lahat ng muscle sa mukha nya ay talagang sumasama sa ngiti.

Sya lang ang nakilala kong wala na atang ginawa kundi mag-aral at magtrabaho. Tapos ng Psychology, nag-masters ng Public Administration, at nag-Law. Lahat pa yan sa UP. At ang pangarap nya ay "to work for the people". Oo, Charing. Kung nababasa mo ito, nabasa ko ang resume mo sa opisina natin dati.

Maiirita ka sa babeng ito. Kahit lunch break gusto trabaho ang pinag-uusapan. Naaalala ko nang mag-declare ako na walang pagu-usapang trabaho habang kumakain. At ilang lunch break syang hindi sumabay.

Si Charing din ang larawan ko ng isang Executive Assistant. Naka-mail merge ang directory nya, matino ang files, at pati contacts list ng cellphone ng boss nya sya ang gumagawa. Laging on time, kahit ata may sakit o malungkot sya maayos pa rin ang trabaho.

May silent power ang batang ito. Kaya nyang pukpukin ang mga consultant pag deadline na, ang kulit grabe. Higit sa lahat, napapasunod nya ang mga naging boss nya. Minsan nga kapag nagmamaneho yung isang dating boss namin, kelangan nyang sabihin kung stop o go o kung liliko. Para kasing hindi sya nawawala sa sarili nya, laging nagi-isip.

Nung Marso lang ikinasal sya, sa isang kababata. Ang bongga ng kasal. Nakita ko na lang yung video sa isang blog. Hindi na ko nakadalo s kabila ng mga paghahanda ko, nagluko kasi ang tyan ko two hours before akong paalis ng bahay. Hanggang ngayon nasa bahay ko pa ang regalo ko, ang ganda ng giftwrap. At si Charing, nasa US na kasama ng swithart nya.

Ginawa nya lahat ng gusto nya- mag-aral, magtrabaho, magpapayat, umibig at ikasal sa taong mahal nya at mahal sya. Isa na lang ang inaabangan ko: ang maging ina sya.

Siguro kung magpapa-annul sya later, bonus na yun.

Sally


Paiksian kami ng shorts dati, back in the days of Eileen Sarmenta. Hindi naman kami na-rape gaya nya, pero nagkakandahulog ang mga papang nakasabit sa jeep sa kalilingon. Hmm…. hindi ako sure kung kasali ako sa nililingon pero magkasama kami ni Sally nun. Kapitbahay ko kasi ng pad si Sally.

Nung freshman sya, chubbita pa pero after one year na nag-LOA pag balik vavavoom ang loka. Pumayat! Maputi si Sally, voluptious ang dating, at pang-Ms. Universe ang long wavy hair. Yun lang, tamad mag-aral.

Naging flight attendant sya nang muli syang mag-LOA at hindi na bumalik sa eskwelahan. Lalong sumexy. At nun nya nakilala ang jowa nya ngayon. Sa La Union na sila nakatira, at nagbi-breed na sya ng cocker spaniels. Yun e maliban sa mga anak nila.

For a time, naburyong sya sa probinsya at nagtrabaho sa Maynila bilang Med Rep (hindi na ata ganito ang tawag ditto ngayon) ng isang starter na local pharmaceutical company. Pinasok ko rin yung ganung trabaho dati e, inayawan ko rin after four months. Mahina ang kita tsaka... mahina ang puso ko sa mga taong malapit nang mamatay.

Habang nasa ganung trabaho sya, dun dumalas si Sally sa bahay. Painom-inom, overnight, two days, hanggang isang maleta na ang bitbit nya at dun na naka-park ang kotse nya. Bago ko pa namalayan, nilalandscape nya na ang garden ko, tinayuan na nya 'ko ng bakod, at naglalagay na ng grout sa tiles ng banyo at kusina ko. Balak pa nga sana nyang pinturahan ng "butter yellow" ang pader ko, whatever the hell that looks like.

Hindi naman sya ever pabigat, I think masaya si Jubilee nung andun sya. Nagluluto, naglilinis, at masarap kasama. Lagi nyang sinasabing hindi nya maintindihan kung bakit ang hilig-hilig kong mag-aral. At lagi ko namang sinasabi sa kanya na magtapos sya ng pag-aaral. Wa epek.

Kapag gabi, kahit sleep na kami ng jowa ko, may I knock at the door ang gaga. Minsan, hindi na 'ko nagising, si jowa na lang, at kinaumagahan ko na nalaman ang masalimuot nyang karanasan sa sala mismo ng bahay ko.

Aysus, madaling araw pala e nagising syang dumudugo ang ulo nya. Parang may malakas daw na tumusok sa ulo nya, suspetsa nya kinagat daw ng daga na sabi naman ng duktor very rare case lalo na puncture wound at isang butas lang. Suspetsa ko, nagalit ang mga multo sa bahay ko kakapanuod nya ng umaatungaw na Phantom of the Opera nung gabi.

Dun na sya nag-umpisang maghakot ng gamit nya pabalik sa bahay ng tiyahin nya. Soon after, bumalik na sya nang tuluyan sa La Union. Ngayon, patext-text at YM na lang kami.

Hindi ang misteryosong puncture wound nya sa ulo o sa kanyang temporary residence sa bahay ko [na nakaranas naman ng maraming home improvements] ang dahilan kung bakit isa si Sally sa mga outstanding characters sa alaala ko. Si Sally ang tanging kaibigan ko na nagpapadala ng kung anek anek sa akin nung nag-exile ako sa Bayombong. Sa tingin ko hindi lang yun dahil marami syang pera nun. Talagang thoughtful si Sally.

Kapag nakipag-kaibigan sya, siryosong kaibigan. Hindi nya ugaling makipagsumahan ng gastos o mga pabor. Sa kanya, tutuong ang kanya ay iyo at ang iyo ay kanya rin. Ang “feel at home” sa kanya ay paghuhugas ng plato, paglilinis ng banyo mo, at paghuhukay ng lupa sa garden mo. Kahit anong bongga ng mga trinkets at shades nya kapag nasa labas na, sa bahay mo mukha syang basahan at nakataas ang paa habang nagkakamay sa pagkain.

Si Sally ang unang kaibigan na ipinakilala kong kapatid ko. Sa kanya ko rin na-confirm na pwede kang maging maganda kahit pango ka. Basta maputi ka.

Si Lorna

(Isa sa tatlong seryeng pinamagatang Si Aida, Si Lorna at Si Fe.)

Kay Lorna nagsimula ang lahat.

Kaklase ko sya sa Soc 130, o Social Psychology. Pero bago pa kami nagkakilala, pamilyar na sya sa akin. Myembro kasi sya ng isang samahan ng mga Bicolano, at minsan na syang umawit sa isang dula. Hindi lang ang awit na yun ang tumawag ng aking pansin, kundi ang tinig nya. Hindi lang ang tinig nya ang tinutukan ko ng pansin, kundi ang mukha nya. Dahil nalaman kong pinsang buo sya ni Ute.

Dahil palakaibigan itong si Lorna, sya ang unang nakipagkilala sa akin. Agad ko namang binanggit na kilala ko si Ute ("kilala" as in pamilyar ako sa kanya). Singbilis nun ay kinwento nyang nang araw na yun ay dadalaw ang BF nyang nag-aaral ng Law sa Diliman. Sa tanghali din ng araw yun, eto na sya't pinuntahan ako sa dorm- umiiyak, nakipag-break sa BF. At mula nun, parang best friend na agad kami.

Bago ko pa namalayan imbitado na ako sa apartment nilang magkakapatid. Magkasama na kaming nag-aaral at nagluluto. Hindi sya masipag mag-aral, pero mahusay syang magluto. Hanggang ngayon nga, sa tingin ko ay di ko matutularan ang sarap ng laing nya- tutulo ang sipon mo sa sarap!

Ganun din syang kasarap kakwentuhan. Hanggang ngayon tuwing magkikita kami, tumitilaok na ang manok hindi pa nauubos ang hagikhikan namin. Sa lahat ng nakilala ko sa buong buhay ko, wala nang mas bibilis pang makaisip ng kalokohan kesa kay Lorna.

Walang lihim sa aming dalawa, pati diary nakabukas. Luha man o halakhak, kaya naming pagsaluhan nang walang kahihiyan. Magkasama kami sa maraming mahahalagang sandali sa buhay nilang mag-anak: [nurse] capping ng kapatid nya, work recognition ng tatay nya, earthquake noong 1991, pagpapaalam sa boypren, pakikipagkita sa hindi boypren at maraming pang dramatic at comic moments. Pinagtakpan nya ako sa nanay ko sa di mabilang na pagkakataon. At sa sarili nyang paraan, isinet-up nya ako sa pinsan nya... pati na sa sumunod na ngayon nga e jowa ko na.

Palakaibigan si Lorna. Kung iisipin ay espesyal ang pinagsamahan naming dalawa. Pero ganito rin sya sa iba. Kahit ipakilala nya akong best friend, may mga ikinukwento din syang "best friend". Kahit maramdaman kong ukol sa akin ang mga sandaling magkasama kami, napag-alaman kong hindi ito katangi-tangi.

Kahit pala sa pagkakaibigan, may takot ka ring mararamdaman- na hindi ka magiging kawalan sa kanya. Gusto mo ring makaramdam ng katiyakan na sa taong ito, nag-iisa ka. At kapag alam mong hindi ganun ang kalakaran, hinahanap mo din ang ibang mundo- maghahanap ka rin ng ibang “best friend”.

Unti-unti, matututunan mong si Batman lang ang forever.

Pepito

Sa wakas naisuot ko ang trench coat na U2, na binili pa ni Sally sa ukay-ukay sa Cubao.

Halos mahulog ang buong langit sa lakas ng ulan. Halos tangayin na ako ng payong ko sa galit ng hangin. Halos kapantay na rin ng ulan ang ngitngit ko sa pag-aabang ng taxi sa terminal ng bus sa Ali Mall.

Late na 'ko sa opisina, at dugyut na dugyut na ang pakiramdam ko sa pagkakabasa. Sayang ang pagbo-blower ko ng buhok. Sayang ang aking bago at mamahaling sapatos. At putragis na mga taxi yan, parang nawala silang lahat sa kalsada.

Nun lumapit si Mang Pepito, nag-alok na ihahatid nya ako sa Ortigas sa halagang P200. Sabi ko P150 lang ang pera ko. Ayaw. Ayaw maniwalang wala akong pera sa bihis ko. Sabi ko alanganin sa sweldo wala na akong pera at pinakita ko pa ang baon kong tanghalian kasi nga nagtitipid ako. Pumayag.

Sinakay nya 'ko sa kanyang lumang Lancer at lumarga na kami. Sa halip na sa EDSA, nagpumilit syang C5 kami dadaan. Sa tutuo lang hindi ko kabisado ang daang iyon pera hindi naman ako ang may hawak ng manibela so ano pa nga ba.

At ano pa nga ba, e di inabot kami ng syam-syam. At singko-sanlibo ang haba ng kwentuhan namin. Nag-umpisa sa usapang pulitika, sa pesteng sitwasyon ng Pilipinas, at sa kaginhawaan ng pag-aabroad.

Ikunwento na nya ang kanyang buhay.

May negosyo sya, at ang pag-pick up ng pasahero sa terminal ng bus ay pampalipas oras lamang nya. Sa umaga at sa hapon lang naman kasi nya dinadalaw ang shop nya. Barkada na rin daw kasi nya ang iba pang nagpa-private transpo sa Ali Mall.

Balo na si Mang Pepito, may tatlong anak. Nasa abroad ang bunso nyang babae, may pamilya na. Ang ikalawa nyang anak na lalake ay isa nang arkitekto. At ang panganay nya ay isa nang ganap na pari.

Sabi nya ang saklap daw nang magpaalam ang panganay nya na gusto nitong magpari, kasi naman ay mahusay itong inhinyero at malaki na ang kinikita noon. May girlfriend pa nga raw na akala nya'y magiging manugang na nya. Pero wala. At ang hirap naman daw na sya pa ang maging hadlang sa pagsisilbi nito sa Diyos. Pero nga naman, kamamatay ng asawa nya noon. At kapag nagpari ang anak mo e para ka ring namatayan ulit.

Hindi nya maintindihan nang sabihin kong nagtatrabaho ako sa isang project ng CIDA, at wala akong balak na mag-abroad. Ang kulit-kulit ng matandang ito. Ayaw pumasok sa kokote nya na may mga taong kahit may oportunidad e ayaw umalis ng Pilipinas.

Muntik nang tumirik ang sasakyan nya bago pa kami makarating sa Emerald. Awa ng Diyos nakapasok naman ako sa opisina. At dun ko lang napagisip-isip ang kagagahang ginawa ko. E pano kung tarantado yung sinakyan ko? Engot talaga.

Dalawang linggo akong hindi nag-abang ng taxi sa terminal na yun. Wala akong planong makipag-barkada sa kanya noh!

At nang sa isip ko e matagal-tagal na rin at malamang 'di
na 'ko mamumukhaan ni Mang Pepito, dun na ulit ako nag-abang ng taxi. Lord, markado ang lola mo. At hindi lang ni Mang Peping kundi ng lahat ng nakatambay dun.

Mula nun, may mga taga-tawag na 'ko ng taxi. Hello, may taga-bukas pa ng pinto. At kapag ayaw ng taxi sa Ortigas, may taga-mura na rin.

Itong mga huling araw, sa 20th Street na 'ko nag-aabang ng taxi. Hindi sa kung anupamang dahilan, napansin ko lang na umiigting ang kumpetisyon ng taxi sa Ali Mall.

Nami-miss ko ba si Mang Pepito? Hinde. Pero napapalingon ako sa gawing doon kapag dumadaan ang taxing sinasakyan ko. Naaalala ko na may kakilala ako dun. Walang pinag-iba sa nakilala kong driver dati ng truck ng gulay na sinabitan ko sa Sta. Cruz nung estudyante pa 'ko.

'Ta mo nga naman ang nagagawa ng kalsada sa isang desperadong pasahero.

Freddie

Pinag-uusapan sya ng lahat. Kinatatakutan ng mga naging estudyante nya. Hindi dahil nambabagsak sya, kundi dahil paduduguin ka nya.

Hindi ko pa sya nami-meet tadtad na 'ko ng babala. Parang kulang pa ang lagim na nararamdaman ko sa Statistics, kelangan pa 'kong takutin na impyerno ang sem ko kapag si Dr. David ang naging propesor ko. At syempre pa, sya na nga at wala nang iba. Dalawa lang naman ang pagpipiliang guro sa subject na yun at naka-leave yung isa. Hindi ko na matakasan pa, dahil kelangan ko nga yung subject na yun.

Ang tanga-tanga ko rin naman kasi. Nakita ko ang curriculum ng pinili kong kurso, at alam kong halos kalahati ng total units ay puro Stat. Kaso, talaga namang interesting ang social psychology. Kung sa sugal, wala kang talo. Hindi ka man maging tanyag, o di mo man talaga maging propesyon yun, sulit ka naman sa lahat ng matututunan mo.

Sa tutuo lang, kaya ako nakaisip mag-aral ulit e dahil umabot na ako sa puntong nabuburyong na rin ako sa sarili ko. Parang wala nang masyadong challenge ang mga ginagawa ko. Kung meron man, sobra namang challenge na ramdam kong wala akong alam at sa maraming paraan e hinuhulaan ko na lang ang ginagawa ko. Kulang na kulang na ako sa armas, wari ko wala na akong mapipiga sa sarili ko at kung anupaman ang kailangan ko e hindi ko na mapupulot sa kalsada. Panahon na para bumalik sa eskwela, at tanggaping kailangan kong matuto.

At nun ko nga muling hinarap ang mga kakulangan ko. Sa kakaibang mundong ito, muli kong hinarap ang mga takot ko at kusa kong ibinaba lahat ng pagmamalaki ko.

Matanda na si Dr. David, at ang estilo nya ay ganun din- nagtatawag, nagpapa-solve sa board, at parang ayaw ka nyang tigilan hanggang ikaw mismo ang makahanap ng sagot sa tanong, o hanggang aminin mong hindi ka nag-aral. Kung magpa-exam, one to sawa at ilang tanong lang pero mula sa umpisa hanggang sa dulo ang tuhog. Minsan, isang linggong take-home exam. Feeling ko lang ha, walang nakapasa sa mga exam nya ever.

Tuwing araw ng klase namin, gumigising akong "Shit" ang unang namumutawi sa aking bibig. At parang buong araw akong naka-shabu sa pagkakagising ng buong diwa ko. Never atang nangyaring hindi ako nag-aral bago pumasok sa klase. Never din naman kasi syang umabsent o nagpostpone ng klase que si jodang dalawa lang ang present.

In fairness, inuulit nya ng leksyon kapag may absent o kapag napansin nyang nakatingala na sa kisame o nakadikdik na sa notebook ang mukha ng mga estudyante. Alam nya sigurong hindi na kami lucid kaya naman pati kung anong butones ang pipindutin sa calculator e itinuturo nya.

Ang notebook ko sa kanya ang pinaka-malinis at pinakakumpleto kong notebook sa buong buhay ko. Syempre, nire-rewrite ko kasi. Sa kanang pahina ko itinatala ang mga sinusulat nya sa board at sa kaliwa naman ang lahat ng paliwanag nya. Apat hanggang limang kulay ng ballpen ang gamit ko, para lang mas malinaw. Lahat ng bilog, parihaba, at linya ay iginuguhit ko para tukuyin ang dapat kong maintindihan.

Sa kaliwang pahina ko rin itinaytala ang mga leksyon nya sa labas ng Stat, mga pilosopiya ng buhay na tanging sa isang matalinong tao mo lang maririnig:

Wise people do not argue on semantics, but on meanings.

Brilliance shine in the way a person organizes his thoughts.

At marami pang ganito.

Hindi ko malilimutang lagi nyang sinasabi na titigil lamang syang magturo sa araw na mamamatay na sya. Dahil kapag hindi na sya nagtuturo, paaalisin na sya sa housing na kaloob ng pamantasan at ayaw na nyang lisan ang bahay na tinirhan nya sa mahigit 50 taon. Ang plano nya, diretso na sya sa sementeryo. Kapag ibinaon na daw sya sa lupa, wala nang mahihita ang mga uod dahil naibigay na nya sa mga estudyante nya lahat ng maikakatas pa sa kanya ng buhay.

Hindi lang sya mahusay na guro, mahusay syang talaga sa matematika. Ganitong-ganito mismo ang kapalaran nya. Nagtuturo, inatake ng karamdaman, naospital, at sa araw ding iyon... dedbol.

Hindi na ako dumalo sa lamay nya sa gitna na kabi-kabilang text ng mga kaklase at guro ko. Maliban sa ayokong nakakakita ng patay, ayokong makita syang walang buhay.

Sa dalawang sem na guro ko sya, hinasa nya ang aking little purol na brain. Sa kanya nabuhay muli ang mga natutulog na mantika ng utak ko. Binuhay nyang muli lahat ng takot, katapangan at pagsusumikap ko. Hindi ko malilimot na minsang narinig nya akong umaangal sa kaklase sa haba ng babasahin (500 pages sa loob ng dalawang araw!), ito ang winika nya:

“Isn't that what we do? We read.”